"SIR Zack, sumali na 'ho kayo.
Kulang po kasi ang players namin." yaya kay Zack ng isa sa mga namamahala ng Valentine's party noong araw na iyon.
Napagpasyahan kasi ng mga itong magdaos nang party isang araw bago ang Valentine's day.
Para naman ma-enjoy nila ang pananatili nila sa resort na iyon.
Dahil si Zack ang boss ay hiningi ng mga empleyado ang permiso nito na agad naman nitong sinang-ayunan.
Ngayon ay niyayaya ang una ng mga tauhan nito dahil isa raw ito sa may pakana no'n kaya dapat daw itong sumali.
"Pilitin niyo muna si Ysabelle na sumali para sumali rin ako." pabirong sabi nito.
Nakaupo si Zack sa tabi niya habang pinanonood ang mga naglalaro.
Katatapos lang kasi ng group game kaya partner games naman ang susunod na lalaruin.
Inirapan niya ito.
Tila nakaisip naman ng paraan si Darryl--isa sa mga organizer ng party na iyon--upang mapilit na maglaro si Zack.
"Ysabelle, sali ka.
Partner tayo." ani Darryl sa kanya.
Agad naman siyang pumayag upang hindi ito mapahiya.
Tumayo siya.
"Game, sasali kami ni Ysabelle." anito sa mga kasamahan.
"Hey!
Anong sasali kayo?" tumayo si Zack.
"You're the host of this party.
You're not suppose to join because that would be cheating.
I'll be Ysabelle's partner instead." deklara ni Zack.
Tumabi ito sa kanya.
Natawa siya. Kung wala itong girlfriend ay iisipin niyang nagseselos ito.
"Si sir, ang possessive." anang isang baklang empleyado rin nito.
Inulan sila ng kantiyaw dahil sa sinabing iyon ng bakla.
Pinamumulahan siya ng pisngi habang ang lalaking katabi niya'y tatawa-tawa lang.
"Simulan n'yo na nga 'yong games para matapos na!" nakangiting saway niya sa mga ito.
Patuloy pa rin kasi sa panunukso ang mga ito.
Agad naman silang tumalima.
First game: Paper dance.
Tatawa-tawang umiikot siya sa papel na nasa gitna nila ni Zack.
Kung hindi siya marunong ay mas lalo na ito.
Hindi nito alam kung magpapatuloy sa ginagawa o uupo na lang.
Nakangiting-aso kasi ito.
Mukhang tanga habang pinipilit ang sarili na sumayaw.
Sa halip na masagwaan sa paraan nito ng pagsayaw ay nagugustuhan niya pa iyon.
Gusto na nga lang niyang huminto at panoorin na lang ito.
Parang ang cute-cute kasi nito sa hitsura nito at parang ang sarap nitong pupugin ng halik.
Huminto ang music.
Tinapakan niya ang newspaper na nasa harapan nila.
Ginaya nito ang ginawa niya.
Nobody got eliminated.
Nagpatuloy ang game hanggang sa kalahati na lang ng paa ng isang tao ang kakasya sa papel.
Kinakabahan siya.
Because, somehow, she doesn't want to lose in that game.
Para bang nakasalalay doon ang pag-ibig niya para sa binata.
Natatakot siya na baka kapag natalo sila'y mawala na naman sa kanya ang binata.
She can see bits of sweat on Zack's handsome face.
Para bang maging ito ay ayaw ring matalo.
Maybe his pride was pushing him because she can see determination in his eyes.
And she love him for that.
Then, the music stopped.
Parang slow motion ang naging pagkilos nila.
Tinapakan ni Zack ang maliit na bahagi ng newspaper at walang kahirap-hirap na pinangko siya.
Nagulat man siya sa ginawa nito'y hindi na lang niya iyon pinansin.
Yumakap na rin siya sa leeg nito upang hindi siya malaglag.
Kapagkuwa'y isa-isang naglaglagan ang mga natitirang kalaban nila hanggang sa sila na lang ang natira.
Nagtilian ang mga kasama nila nang sila ang tanghaling panalo.
Tuwang-tuwang napayakap siya kay Zack.
Kahit na nabigla ito sa ginawa niya'y gumanti naman ito ng yakap sa kanya.
Second game: Eating apple.
Kasali pa rin sila ni Zack.
Kinareer na nila ang pagsali sa mga games do'n.
Natuwa kasi sila noong una dahil sila ang nanalo.
Magbabaka-sakali lang silang baka manalo ulit sila.
The game started.
Nagulat pa siya nang kagatin nito ang apple upang hayaan siyang makakagat.
Sinenyasan siya nitong kumagat na dahil nagsisimula na ang mga kalaban nila.
Mabilis na kumagat siya sa pisngi ng apple.
Excited na nagtilian ang mga audiences nila.
Waring may inaabangan.
Ang tambalan kasi nila ni Zack ang sinusuportahan ng ibang empleyadong manonood kaya ganadong-ganado siya.
Isang beses pa'y naparahas ang pagkagat niya sa apple.
Nabitawan ng bibig ni Zack ang apple kaya tumalsik iyon.
Siya naman--na hindi alam na ganoon ang mangyayari--dire-diretso ang mga labi niya sa mga labi nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ng binata.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo.
Biglang natahimik ang paligid nila at tila sila lang ang tao sa mundo.
Hinawakan ni Zack ang baba niya para mas dumiin pa ang pagkakalapat ng mga labi nila.
Ang mga braso naman niya ay automatic na pumaikot sa mga leeg nito.
His lips was soft and gentle.
She felt a sudden longing for his kisses.
Nang maalala kung nasaan sila'y napadiin ang pagkapit niya sa leeg nito.
"Zack, I think we should stop."
she said in between their kisses.
Tila natauhan namang pinakawalan nito ang mga labi niya.
Nahihiyang hinarap nila ang mga "audience" nilang nakatunghay pa rin sa kanila.
Hindi na rin naubos ng mga kalaban nila ang mga apple ng mga ito dahil na-distract ang mga ito sa munting "palabas" nila.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Kung tatakbo ba o magtatago sa loob ng polo ng binata.
Tumikhim si Zack.
"Let's not get carried away, guys.
Ituloy niyo na ang mga ginagawa niyo.
At itutuloy namin ni Ysabelle ang ginagawa namin." pabirong sabi nito sabay hila sa mga kamay niya.
Narinig pa niya ang mga delayed reactions ng mga iniwanan nila.
"Bakit mo naman sinabi 'yon, Zack?
Ano na lang ang iisipin nila sa'tin?" inis na sabi niya rito dahil sa sinabi nito sa mga tauhan nito.
"Ano namang masama ro'n?
Marami namang puwedeng ituloy na ginagawa, ah.
Ang dumi ng isip mo." natatawang turan nito sa kanya.
"Hindi madumi ang isip ko.
Malaswa ka kasi magsalita." Parang walang nangyaring halikan sa pagitan nila kung magpalitan sila ng salita.
"Paano mo ngayon ipaliliwanag sa kanila ang nangyari?" tanong niya rito.
"Ano ba ang kailangang ipaliwanag ro'n?
Nakita na nila ang hindi nila dapat makita.
Ano'ng gusto mong isipin nila?
Friendly kiss lang 'yon?
Walang friendly kiss na gano'n katagal, Ysabelle." bale-walang sabi nito.
"Zack, may girlfriend ka nang tao!
Hindi magandang tingnan na nakikipaghalikan sa iba ang isang lalaking may girlfriend na."
"Pag-uusapan na naman ba natin 'yon, Ysabelle?
Puwede bang kahit sandali'y kalimutan mo munang may isang taong nakapagitna sa ating dalawa?
Puwede bang tayo na muna ang isipin mo at hindi 'yong ibang tao?" kahihimigan ng hinanakit ang tono ng pananalita ni Zack.
"Zack, hindi puwede!
Girlfriend mo 'yon.
Ayokong makasakit ng ibang tao.
Kahit ano'ng gawin natin meron pa ring taong nakapagitna sa'ting dalawa." malungkot na sabi niya.
"Fine." sabi na lang nito.
Marahil ay batid nitong wala na itong maikakatwiran sa kanya.
Tumalikod na lang ito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"Somewhere.
I don't know." sagot nito.
"Saan ka pupunta?" balik-tanong nito nang tumalikod siya at tila uunahan na itong umalis.
"Somewhere.
I don't know." panggagaya niya sa sinagot nito kanina sa kanya.
Tumawa ito. "Magbihis ka.
Aalis tayo.
Pareho naman pala tayo nang pupuntahan, eh.
Magsabay na lang tayo." biro nito sa mga naging sagot nila sa isa't isa kanina.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Ang dami pang tanong, basta magbihis ka na lang." utos nito sa kanya habang ipinagtutulakan siya paakyat sa hagdan.
"SA'N na ang punta natin?" tanong ni Ysabelle kay Zack nang makapagbihis na siya.
Nagsuot siya ng simpleng polo shirt, maong jeans at tennis shoes.
"Iyan na 'yon?" sinipat siya nito mula ulo hanggang paa.
"Puwede na rin.
Tara."
Hinila na siya nito sa kanyang kamay.
Nasalubong nila ang isang grupo ng mga kalalakihan.
Agad siyang binati ng isa nang makita siya.
"Ysabelle!
It's so nice to see you again!
How are you?" anang isang lalaking nakilala niya sa resort.
Si Nathan.
Napahinto siya nang makita ito.
Hindi niya nga lang nasagot agad ang pagbati nito sa kanya dahil nakatutok ang atensiyon niya sa binatang nauna na nang paglakad.
Binitiwan agad siya ni Zack nang huminto siya upang makipagkumustahan kay Nathan.
Pumalatak siya.
Hindi man lang siya nito hinintay.
"Hi, Nathan!
I really love to chat but..." nagpalinga-linga siya sa paligid.
Hindi na kasi niya matanaw si Zack sa paligid.
Napakabilis namang maglakad ng lalaking iyon para mawala na lang ng ganoon kabilis sa paningin niya.
"I really have to go.
Bye, Nathan!" mabilis niyang paalam sa lalaki upang habulin si Zack.
Tumango na lang ito at kumaway kahit na hindi na siya nakatingin dito.