Hindi ko alam kung saan na ako dadalhin ng mga lalaki sakay ng kotse, kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko na ibaba na lang nila ako ay hindi ako pinakinggan, bagkus ay pinagtawanan lang nila akong tatlo; bale dalawa ang may katabi ko sa backseat na may hawak sa akin kahit na nilagyan na nila ako ng posas, at isa naman ang nagmamaneho. “Teng, saan na natin 'to dalhin? Saan natin itatapon?” tanong ng isang lalaking katabi ko sa kasama nitong driver. “Ang sabi ni Madam ay 'yung wala raw makakita 'yung walang pumupuntang tao dapat, kaya tingin ko ay ayos lang kahit saan natin siya dalhin o kahit anong gawin natin sa kanya,” sagot ng driver na ngumisi pa sa rearview mirror nang tingnan ako. “Ayos pala, tiba-tiba tayo nito. Ang ganda at napakakinis, siguradong masarap!” “Basta ako ang maun

