Mundong-Colai Isang napakahigpit na yakap ang binigay ng kanyang mga magulang bago siyang tuluyan tumawid sa kabilang mundo. Ang mundong kung saan naghihintay sa kanya si Frances. "Mag-iingat ka palagi roon kahit alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo at alam kong aalagaan ka rin ng mate mo doon..mamimiss kita,prinsesa ko," mangiyak-ngiyak na saad ng Reyna. "Opo,mahal kong ina. Hindi po ako pababayaan roon ni Frances,alam ni ama iyun,"nakangiti niyang tugon sabay sulyap sa kanyang ama. " Tama,mahal kong Reyna. Frances is a man na para sa prinsesa natin,"sang-ayon ng kanyang ama na kinampante naman agad ng nag-aaalala ina. Muli siyang niyakap ng ina. "Masaya ako na pinili mo kung saan ka sasaya.." usal nito habang yakap-yakap siya. "Mahal na mahal ko po kayo ni Ama.." madamdami
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


