"Ako na maghuhugas ng mga ito.." agad na inunahan siya ni Frances sa tangka niyang pagliligpit na pinagkainan nila. Kahit pareho silang may jetlag nagawa pa nitong magluto ng hapunan nila. Nakabalik na sila ng pilipinas. Hindi niya makakalimutan ang masayang araw niya sa lugar na kung saan nagmula ang kasintahan. Kung saan natuklasan din niya ang tungkol sakin! Napadako ang mga mata niya sa kulay asul na bote sa itaas ng Ref. Inabot niya iyun. "Frances," pagkuha niya sa atensyon ng binata na abala na sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Agad na dumapo ang mga mata nito sa bote na hawak niya. Humarap ito sa kanya at kinuha sa kanya ang bote. "Hindi ito mabuksan..si Zei ang nagbigay sakin ng weird na boteng ito..may sinabi pa siya tungkol sa isang prinsesa lamang ang makakabukas nito

