Wala sa tabi niya ng magmulat ng mga mata si Cassandra. Agad na napabangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama at agad din natigilan. Pamilyar sakin ang amoy na yun ah?! "Imposible," anas niya at nagmamadaling sinuot ang mga damit niya na nakakalat sa gilid ng kama. Baka nandito talaga siya! "Frances.. " anas niya sa pangalan ng kasintahan at hindi niya naramdaman ang presensya nito sa loob ng unit nito. Hindi kaya.. Mabilis na lumabas siya sa unit ng kasintahan at alam niyang kung saan posibleng naroroon ang kasintahan..posibleng ang ama niyang si Haring Russel ang kasama nito. Hindi nagtagal narating niya agad ang BSC. "Oh,Cassandra,good morning!" nakangiting bati ni Toni. "Si Frances?" "Nasa rooftop ,di ko alam kung ano gagawin niya roon," anito na may pagtataka. Sa palaga

