"Nag-enjoy ka ba sa date natin?" untag ni Frances nang mawala sa paningin nila ang sinasakyang pedicab ni Aling lora. Hinintay nila ulit na magsara ito. Napabaling sa kanya ang dalaga. Oh-oh! Date ba ang nasabi niya?! Fuck! "Uh,I mean.." nahahati ang isip niya kung babawiin ba niya ang sinabi niyang iyun. "Date?" usal nito habang matiim na nakatitig sa kanya. Agad na dinunggol siya ng kaba. Damn! "Cassandra..."usal niya at napagdesisyunan na niyang ipaalam dito ang tunay na intensyon niya sa dalaga. Humugot muna siya ng malalim na hininga at lakas loob na sinalubong niya ang kulay asul na mga mata ng dalaga. " Pwede ba kong manligaw sayo?" Nanatili nakatitig lang sa kanya ang dalaga. "I like you,Cassandra.." but it must say I love you..saad ng utak niya. Kinakabahan na tumawa siya

