As Toni said,nagpa-victory party nga ito para sa muling pagkapanalo niya kahapon. Dinaos iyun sa BSC. Lahat ng mga trainees,staffs at trainors ay present sa araw na iyun. They are congratulate her and praise her. Kahit paulit-ulit iyun naooverwhelm pa rin siya kasi ganun pala ang pakiramdam kapag maraming nagmamahal sayo lalo pa at hindi naman niya ito mga kauri. That's why she love to see the real world kung saan nagmula ang kanyang ina.
Natutuwa din siyang makita ang lahat na masaya sa isang simpleng salo-salo. Although,ganun din naman sa mundong-Colai kapag kaarawan niya at ng kanyang ina nagkakaroon ng salo-salo sa buong distrito nila.
"Cass!" paglapit sa kanya ni Toni.
"May inimbitahan nga pala ako,pamangkin ko galing America..MMA yun," anito.
"Ganun ba," tugon niya.
"Parating na siya,sinabi ko lang sayo kasi alam mo na, ikaw pa rin ang boss ko!"nakangiti nitong saad.
Napailing na lang siya. " Ayos lang sakin,Toni,"aniya.
"Sige,salubungin ko lang sa labas baka maligaw pa eh," paalam nito.
Tinanguan niya ito at may lumapit sa kanya mga trainee na bumati sa kanya at malugod naman siya nagpasalamat sa mga ito.
Nang matapos ang kwentuhan at batian naisipan niyang pumunta sa practice room niya sa pag-Aarcher. Iyun ang silid na ginawa niyang pribado para sa pag-eensayo niya. Gayunpaman,sinanay na rin niya ang sarili na hindi maging disturbance ang matatalas niyang senses sa paligid niya.
Tinulak niya ang salamin na pintuan at agad na dinampot niya ang mga gamit niya sa pag-aarcher.
Wala naman gumambala sa kanya dahil alam ng lahat kapag naroroon siya wala nagtatangka na istorbohin siya hanggang sa may kumatok na nakakuha ng atensyon niya.
Swabe niyang binitawan ang panghuling arrow niya at bull's eye iyun tumama kasama ang iba pa.
"Champion ka talaga,boss!" anang ni Toni.
Napailing na lang siya sa tinuran nito.
"Bakit ka nandito? Hindi pa naman tapos ang paparty ko sayo eh," tampo-tampuhan nitong turan.
"Babalik rin naman ako kaagad," tugon niya habang inaalis niya ang mga nakakabit sa braso niya.
"Hmm,dumating na kasi yung pamangkin ko gusto ko siya ipakilala sayo," nakangiti nitong saad.
Napataas ang isang kilay niya ng maramdaman na may kalakip ang sinabi nito na may ibang intensyon.
Painosente itong ngumiti sa kanya. "Okay lang ba,boss? Champion meet the champion!"
She sighed.
Panay ang bida nito habang palabas ng practice room niya sa pamangkin nito na isa daw MMA champion at kakapanalo lang daw ulit nito noong nakaraan araw.
Agad na nahagip ng mga mata niya ang isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa kanila at nakatunghay ito sa ibaba kung saan ginaganap ang party.
Her heart suddenly beat so fast!
Familiar ang amoy niya! Anang ng inner wolf niya.
"Frances!" pagtawag dito ni Toni.
Agad na lumingon ang lalaki sa kanila na tinawag na Frances.
Si mate nga!