Ginawa na ni Cielo sa abot ng kanyang makakaya na masabayan si Ash sa pagtakbo ngunit masyado lang talaga itong mabilis. Hila-hila pa rin naman siya ng lalaki pero hinihingal na talaga siya. Nang may mapara na sila na taxi, agad siyang pinasakay ni Ash ngunit hindi ito sumakay. Napatanga na lamang siya ng isarado ni Ash ang pintuan ng taxi saka ito tumakbo pabalik sa dinaanan nila. Nagsimula na ring umusad ang sinasakyan niyang taxi. "Teka lang, manong!" she cried out. "Sabi ng kasama mong lalaki Ma'am, na ihatid daw kita na ligtas sa inyo kundi raw mananagot ako sa kanya." sabi ng mamang driver. "Pero nanganganib ho ang buhay niya, manong. Hindi ko siya pwedeng basta-basta nalang iwan dito." "Ang sabi niya na ihahatid na raw kita sa inyo." She looked out the rearview window

