Wala ng nagawa si Ash nang papalibotan na siya sa mga tao roon sa restaurant. Kung pwede nga lang niyang kutusan ang kakilala niyang surfer ay kanina pa niyang ginawa, ngunit nagpigil lamang siya. Nagkahiwalay tuloy sila ni Cielo. At hindi na rin niya na monitor kung may nakasunod pa ba sa kanila. If she'd done as he ordered and run for it, ang hiling na lamang niya na ligtas sa mga oras na yon si Cielo. Sana nga. Hindi naman siya tensyonado na tao, sadyang hindi lang niya maipaliwanag kung bakit kinakabahan siya ng todo. Sana nga ay nasa maayos lang na kalagayan si Cielo. Siguro sa mga oras ding iyon ay nagtataka na ang babae kung nasaan na siya. Kaya kailangan na niyang magmadali papunta sa gym. Lumabas na siya sa naturang restaurant at nagpara ng taxi. Agad naman niyang tinawagan a

