Alam ni Ash na kung e-divert lamang niya ang tanong ni Cielo ay hindi pa rin siya makakalusot, pero susubokan pa rin niya. "Di ba sinabi ko na yan sayo? Isa akong surfer kaya syempre ganon ako kabilis gumalaw dahil kung hindi, matatangay ako sa malalaking alon." "Kung isa kang surfer, bakit pumasok ka pa sa pagiging agent?" Frustrasted and concerned, he just stared at her, at nananalangin siya na lubayan na sana siya ni Cielo sa tanong na yon. Pero sa tingin niya, pursigido ang babae na masasagot ang katanungan nito. "Yang mabilis na paggalaw mo, alam kong hindi yan normal. Tell me, Ash. Ipinanganak ka ba talagang ganyan? O dahil epekto yan sa mga gamot na ininom mo?" "Alam mo na ang tungkol sa sakit ko?" "Bakit hindi mo yan sinabi sakin?" "Bakit pa. Eh magaling na ako." "May histor

