[MAUREEN] Hindi ko na pinagka abalahan pa si Penelope at agad na hinabol ang asawa ko pero bigla na lang itong nawala. "Kunin na muna natin yung gamit mo, Frenny. Gosh.. Ganun pala magalit si ma'am.. Ang kalmado niya simulat sapul. Hate nga nun ng gulo, lalo yung ganitong away na may pisikalan na. Parang ibang Jezra yung nakita ko kanina, Aira." Kahit ako nagulat din pero sobra na talaga si Penelope. Bakit ba siya ganun? Dapat ata kausapin ko na ang babaing yun para maging clear na wala akong interest sa kanya kahit pa siguro single ako ngayon. Hindi yung mga tipo niya ang gusto ko. Kulang na lang maghubad sa harap ko. Siya talaga ang nagtutulak sa sarili niya sakin. "Tara." Pag sang ayon ko kay Aira—Kinuha namin ang duffel bag na si Jezra mismo ang naghanda. Nagbihis na muna

