[JEZRA] Napansin kong panay ang tingin ni Mau sa phone niya kaya nawawala ako. Umiwas lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa dini discuss ko sa klase. Patagong kinakalma ko ang sarili kahit parang sasabog na ang pakiramdam ko. Nag oover think malala habang pinipilit ko ang utak na mag focus. Napaka wrong timing naman talaga. Ganito pala kahirap kapag sa harapan mo mismo nakikita ang pagiging distracted ng asawa mo. Hindi ko na natiis. "Ms. Jensen!" Pukaw ko sa atensyon niya. Mabilis niyang ipinasok ang cellphone sa bag niya at tumingin ng diretso sakin. "Kanina pa kita nakikita. Wala sa klase ko ang presence mo. If that's important you may leave my class." Mabigat ang dibdib ko. Hindi ko intensyon na magmistulang napapahiya siya sa buong klase. Hindi ko lang talaga mapigilan a

