[MAUREEN] Nasa may pintuan pa lang ako rinig ko na ang commotion na nagmumula sa itaas. Napatingin ako roon. "Hold yourself together, Margaux.. Anak! Please..!" Sigaw ni Tita. "Hindi niya na ko mahal, Mom! Aira doesn't love me anymore. I'm not naive to feel it!" May halong pag iyak nito. Ramdam mo ang sakit sa himig niya. Mga salitang hinugot sa pinaka ilalim ng kanyang puso. Nagmadali akong umakyat. Bumungad sa akin ang tila binagyong kwarto ni Margaux. Bukas ito. Make sense kung bakit abot hanggang baba ng diskusyon nilang mag ina. "B-baby? Y-you came.." Ang tingin kong nasa paligid napunta kay Margaux. Animo'y gumuho sa kanya ang Eifel Tower ng Paris. Hindi maipinta ng kahit sinong pinaka magaling na painter ang mukha niya. Ang layo niya na sa dating Margaux na nakilala

