HINDI ko alam kung naka ilang round kami ni Mau pero ang ramdam ko ngayon ng magising ang diwa ko ay ang pag hapdi ng kaselanan ko. "How's your sleep?" Siya agad ang bumungad ng mag dilat ako ng bahagya. Nag aadjust ang mga mata kong napalibot bigla sa paligid. "A-anong oras na? K-kanina pa ba ko tulog?" Nauutal pang tanong ko. Ngumiti naman ito bago ako sinagot. "I love you.." Paglalambing niya imbis na tugunan ang mga tanong ko. "I love you.." Mariposang ganti ko kasabay ng pag haplos sa makinis, maputi niyang pisngi. "It's already 10 in the evening, Love.. Ang himbing ng tulog mo kaya hindi kita ginising." Paliwanag niyang hindi nawawala ang naka paskil na ningning sa buong mukha niya. Di gaya ko naka bihis na ito. Samantalang kumot lang ang siyang tumatakip sa kahubaran k

