Malalaki ang kanilang mga hakbang dahil sa pagmamadaling makaalis sa lugar. Pawis na siya at nais na niyang maligo at magpahinga ngunit patindi nang patindi ang kaba niya sa pamamalagi sa bundok.
Kung hindi lang siya sumama ay baka nagpapahinga na siya ngayon sa apartment.
Selma said that there are hikers who have successfully hiked the mountain.
Tinitigan niya ito. Hawak ni Selma ang mapa at seryosong nakatingin roon. Hindi ito nagsasalita at tingin niya'y galit na naman ito sa kanya. Nilapitan niya ito at sinubukang kausapin ngunit lumayo ito.
Nagtinginan sila ni Nikki at sumenyas ito na huwag muna niyang kausapin ang kaibigan.
"When we escape this godforsaken place, I’m throwing a party and you’re all invited, whether you like it or not!" Wika nito.
"And what kind of celebration is that, Nikki?"
"My engagement party!" Masayang tugon nito. Natuwa siya sa narinig. Si Selma ay tahimik pa rin at hindi man lang huminto upang batiin si Nikki. Si Teddy ay tahimik lang din at mukhang naiinip na sa paglalakad.
Naputol ang kanilang kasiyahan nang magsalita si Teddy. Hindi niya mawari kung pang-aasar lang ba iyon o pananakot na.
"What if we never make it out of this mountain? What if it swallows us whole, dragging us into the darkness forever?"
Lahat sila ay napahinto sa paglalakad. Nilingon nila ito na nasa hulihan bitbit ang gamit.
"This isn't a joke. Come on, guys! Are we really sure this is the way, or is Selma just leading us in circles again?"
Sinamaan niya ito ng tingin. Ayaw na niyang madagdagan ang sama ng loob ng kaibigan. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang bangin. Napahinto sila at sinuri ang paligid. Puro puno ang nakikita nila.
"Now what?" Wika ni Teddy na halatang galit na. Hindi niya ito pinansin. Kung sasabay pa siya sa ugali nito ay mas lalo silang hindi makakaisip ng paraan. She took her phone out of her pocket, but she was disappointed to find that it had already shut down. All their power banks had been used up as well, so she just put it back.
Pagbukas niya ng bag ay nakita niya ang binoculars. Gamit pa ito ng kanyang kapatid na kinuha niya nang mawala ito. Itinapat niya ito sa mga mata at muling sinuri ang paligid.
Dahan-dahan niyang binaba ang binoculars. Hindi siya agad nakapagsalita.
"Raquel, anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Nikki at tumabi sa kanya. Iniabot niya rito ang hawak.
"Hindi ko alam kung totoo ba 'yung nakita ko. T-Tingin ko'y may tao."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at mabilis na hinanap ang sinasabi niyang tao gamit ang aparato. Maya-maya ay nagsisisigaw na ito.
"Tulong! Tulungan niyo kami!"
Napalingon sina Teddy at Selma kay Nikki na walang tigil sa pagsigaw. Ilang minuto ang lumipas at napuno na nga ng sigawan ang bangin. Lahat sila ay gumawa ng paraan upang marinig ng dalawang lalaki na naglalakad sa ibaba. Nagkukwentuhan ang mga ito at panay ang tawanan.
Nawala ang dalawang lalaki nang dumaan sa mapunong lugar ngunit muli itong lumitaw nang lumampas sa ilang puno. Pareho itong tumigil sa paglalakad at nagpalinga-linga.
"That's right! That's right! LOOK HERE!" Sigaw ni Nikki na umiiyak na.
"Dito! Tumingin kayo rito, p*tang*na!" Napaluhod na si Teddy sa kakasigaw. Naghalo-halo na ang kanilang boses. Naiiyak na rin siya.
She doesn't want to let go of this chance to be saved. These two hikers will be the ones to rescue them from being lost in the mountain. She will take every opportunity she has to save her friends.
Naghanap siya ng mga bato at malakas na tinapon sa mga lalaki na nagpatuloy na sa paglalakad. Isa-isa niya itong tinapon ngunit hindi man lang ito nangalahati. Hindi rin ito nakagawa ng kahit anong ingay.
"We’re getting down from this cliff. Now." Wika niya nagpatahimik sa tatlo. Kinuha niya ang mga lubid at naghanap ng malaking bato ngunit puro puno ang nasa kanyang likuran. Tinakbo niya ang pinakamalaking puno ngunit hinarangan siya ni Selma. Bakas sa mukha nito na ayaw nitong sumunod sa kanyang suhistyon.
"What did you just say?" Hinihingal nito tanong. Wala na siyang maisip na paraan para mahabol ang mga hikers na tanging pag-asa nila upang makalabas sa bundok.
"We need to get down from this cliff. That's the only option I can think of!"
"Whoa, you really think we can do that? Teddy, Nikki, and I? Let me remind you. We're not experienced hikers like you!"
"Can you just trust me on this, Selma? We can't go back to Silent Peak! This is a different mission. We need to find help so we can save the others! Think about Gideon and—" Natigil siya sa pagsasalita. Hindi niya napigilan ang bibig. Siguro ay dahil desperada na siya.
Tumabi ito at parang natauhan sa kanyang sinabi. Mabilis niyang nilapitan ang puno at sinuri ito. Nang masigurong maayos ito ay tinali niya ang lubid.
"Figure-eight knot. That's it." Bulong niya sa sarili. Hinila niya ang lubid upang masigurong maayos ang kanyang pagkakatali. Nilapitan niya si Nikki na halatang natatakot. Tinabig pa nito ang kanyang kamay.
"Raquel, hindi ko kaya!" Nais na niyang magwala sa lugar na iyon dahil sa inis at pagod. Pinulot niya ang binoculars sa lupa at muling sinuri ang lugar, umaasang naroon pa ang mga lalaki. Nandoon pa nga ang mga ito at patuloy na sinusuri ang paligid. Pagkatapos nilang bumaba ay kailangan pa nilang tumakbo sa kinatatayuan ng dalawa. Tingin niya ay madali lang iyon. Itong pagbaba lang ang problema.
Nagulat siya nang hablutin ni Selma ang lubid. "Ano ba ang gagawin?" Seryosong tanong nito.
"Our gear is incomplete, and—"
"Wala akong pakialam!" Tugon nito sa kanya. Tinali niya ang dulo ng lubid sa baywang nito.
"Hold the rope tightly and use the cliff to control your descent." Tumango ito at nagpunta na sa dulo ng bangin. Pinanood nila ang pagbaba nito at panay ang kanyang dasal na ligtas itong bababa.
Nang makita niyang maayos ito ay napangiti siya. Binitawan na nito ang lubid at naghintay sa susunod na bababa.
"Nikki, you're next." Wala na itong nagawa nang itali niya ang lubid sa baywang nito. Panaka-naka niyang sinisilip ang dalawang hikers na naroon pa rin.
Halos mabingi siya sa mga mura na galing kay Nikki. Hindi naman nagtagal ay nakababa na rin ito. Muli niyang hinila ang lubid at lumapit kay Teddy.
"f**k you, Raquel. f**k you twice!" Paulit-ulit nitong sabi habang bumababa sa bangin. Napahinto ito sa gitna at napatingin sa kanya. Halata ang labis na panginginig nito mula sa kanyang kinatatayuan.
"How high is this?" Tanong nito.
Ngumiti siya at tumugon. "Eighty feet... or, in other words, a six-story building."
Muli itong napamura sa narinig. Mabilis nitong tinanggal ang lubid sa katawan. Natatawa niya itong hinila at bumaba. Nilingon niya ang mga kasama. Hindi naman siya nalula dahil sanay na siya. May mga bangin na siyang naakyat-baba na mas mataas pa kaysa rito.
Ilang metro na lang at matatapos na siya ngunit natigilan siya nang gumalaw ang lubid. Tila may nagtatanggal nito sa pagkakatali.
"Ah!" Naisigaw niya nang tuluyang mahulog sa lupa.
________________________
Inabot niya ang tubig at mabilis itong ininom.
"Ang galing eh. This is the grand plan of the mighty Raquel Ann Javier. Ipapaalala ko lang sayo ha, walang kabuluhan ang ginawa natin!"
Hindi siya sumagot sa sinabi ni Teddy. Kanina pa ito nagtatatalak at panay ang sisi sa kanya.
Wala silang naabutan. Walang hikers na naroon. Nakaalis na ito bago pa man sila makarating sa lugar. Ngayon ay nakaupo sila sa lilim ng puno at nagpapahinga.
Hindi na gaanong sumasakit ang kanyang katawan. Palaisipan pa rin sa kanya ang nangyari. May pumutol ba sa lubid o baka hindi maayos ang pagkakatali niya. Pero bakit sa kanya lang ito nangyari gayong apat silang bumaba?
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Nikki sa kanya. Ang totoo ay hindi na niya alam. Nais ng tanggapin ng kanyang katawan ang pagkatalo at manatili na lang sa bundok na iyon. Ngunit iba ang sinasabi ng kanyang utak. Hinablot niya ang mapa na hawak ni Selma na mukhang hindi naman totoo. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong mapa. Hindi niya rin maintindihan ang mga nakasulat.
Sinilip niya ang likod ng mapa at ganoon pa rin ang mga nakasulat.
Inaral niya ang bundok base sa kanilang paglalakad. Napakahirap nito para sa kanya ngunit wala siyang ibang aasahan. Si Teddy ay nasa malayo at kung anu-ano ang sinasabi. Si Nikki ay nakahiga sa kanyang mga hita at mukhang natutulog. Si Selma naman ay nasa likod ng puno at mukhang natutulog din.
Dumaan sila sa likod ng malaking bato. Ito ang sinabi ng matandang nakausap niya sa tabi ng daan. Mula sa entrada ay nasa dalawampung kilometro ang kanilang nilakad hanggang makarating sa Sable, ang base kung saan sila natulog. Naalala niya muli ang mga bakas ng paa sa lupa. From Sable to the falls is roughly twelve kilometers, and from the falls to the Silent Peak is over twenty. But that’s just her calculated estimate.
Napatingin siya sa talon sa mapa at doon nagsimula. Hindi niya mababasa ang mga salita kaya hindi niya alam kung saan ang Sable. Kahit mga daan ay wala sa mapa.
Sa kaliwang parte ng mapa ay ang larawan na kulay asul. Kumunot ang kanyang noo. Hinimas niya ang mapa at napaisip.
"Nikki, wake up! We need to leave now."
Lumapit si Teddy sa kanila. "Now what?" Wika nito. Lumapit na rin si Selma sa kanila at nakinig sa kanyang plano.