"Raquel, come here! Come swim with us!"
Umiling siya at sinabihan si Teddy na hindi niya kaya ang lamig.
Nakaupo siya sa damuhan hawak ang kanyang cellphone. Kanina pa nagsitalunan ang iba sa sapa. Malakas ang agos ng tubig sa talon at hindi rin sumisikat ang araw. Napakalamig ng hangin at kung babasain pa niya ang katawan ay baka hindi na siya makaahon.
Hindi pa rin bumabalik ang pakikitungo ni Selma sa kanya. Si Rosalie lang ang palagi nitong kinakausap.
Ilang beses na niyang sinubukan na lumapit dito at magpatawa ngunit wala talaga. Hindi niya tuloy maintindihan kung ayaw na ba nito sa kanya.
Tumayo siya at kumuha ng mga larawan sa paligid. Napakaganda ng bundok, partikyular sa lokasyon ng unang talon. Magmula sa talon at gubat sa paligid nito, halos lahat ng anggulo ay kanyang kinunan.
Naglakad-lakad siya paligid ng talon. May mga halaman doon na ngayon niya lang nakita buong buhay niya. Pati iyon ay kinunan niya ng larawan.
Sumenyas siya kay Nikki na pupunta sa kabilang banda at tumango ito. Sinabit niya sa leeg ang strap ng camera at nasa likod ang parehong mga kamay. Kung buhay ang kanyang kapatid, siguradong maririndi ang kanyang tenga sa kaingayan nito. Sa kanilang dalawa ay si Ren ang makwento at maalaga. Ito rin ang pumapawi sa lungkot niya.
Masaya siya dahil nakasama siya sa lakad ng mga kaibigan. Kahit papano ay gumaan ang kanyang pakiramdam at hindi niya mapigilang umawit habang kumukuha ng larawan.
"Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you"
Napalingon siya sa gubat. Parang tinatawag siya nito. Dahan-dahan siyang humakbang papasok doon. Lumingon siya at nakampante dahil naroon pa rin ang kanyang mga kaibigan.
"Napakaganda rito." Paulit-ulti niya itong sinasambit. Puro puno lang ang nandoon. Halos hindi na niya makita ang langit dahil sa mga sanga at dahon.
Hindi niya namalayan ang oras. Patuloy lang siya sa paglalakad nang may mapansin siyang gumagalaw sa malayo. Para itong tumatakbo ngunit kakaiba ang kilos nito dahil nakayuko. Hinabol niya ito.
Nagtago ito sa malaking puno. Lampas tuhod na ang haba ng mga damo at bumibigat na rin ang hangin.
Nang makarating sa tapat ng puno ay napayuko siya. Nasa tuhod ang kanyang mga kamay dahil sa hingal. Bakit niya ba hinabol iyon?
Nang maging normal ang kanyang paghinga ay mabilis siyang nagtungo sa likod ng puno ngunit walang kung sino roon. Inikot niya ang puno ngunit wala siyang nakita.
Muntik na siyang mapatalon nang may bumato sa kanyang ulo. Lumingon siya at natigilan dahil sa maliit na nakatayo sa kanyang harapan.
Isang bata? Tanong niya sa sarili.
Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Mukhang tatlo o apat na taon lamang ang lalaking bata. Malaki ang tiyan nito at malaki rin ang mga bata. Wala itong suot na pang-itaas at wala ring sapin sa paa.
"H-Hi, anong pangalan mo?" Nilapitan niya ito at balak sanang kargahin ngunit muli itong bumato at tumama sa kanyang balikat. Napaigik siya sa sakit na naramdaman na mukhang umakyat sa kanyang ulo dahil sumakit din ito.
Sinilip niya ang balikat. Hindi ito nasugatan ngunit nandoon pa rin ang sakit.
Ibinalik niya ang tingin sa bata dahil plano niyang ito ay pagsabihan at ihatid pauwi ngunit wala na ito. Napabuntong-hininga siya at nagdesisyon ng bumalik sa talon. Tingin niya'y tapos ng maligo ang lahat.
Bumalik siya sa dinaanan ngunit hindi niya makita ang daan pabalik. Puro damo at mga puno ang nandoon at natatakot na siya. Idagdag pa ang tunog ng ahas na kanyang naririnig sa malapit.
Mabagal siyang naglakad at inalam kung nasaan na siya. Gusto niyang sampalin ang pisngi dahil sa kat*ngahan. Inilabas niya ang cellphone ngunit binalik rin niya agad sa bulsa nang maalala na walang signal sa lugar.
Napakamalas niya nang mga oras na iyon. Ngunit imbes na magmukmok sa tabi ay mas minabuti niyang gumawa ng paraan.
She had learned from her years as a Girl Scout that no matter how vast the forest, there was always a way out and she just had to find it. She had faced challenges before, earned awards for her resilience, and proved her strength time and time again.
Ang pagkawala niya sa Sable forest ay hindi pa niya katapusan. Ito ay panibagong suliranin lamang na kailangan niyang malampasan.
Hindi siya isasalba ng kanyang mga pangamba. Tanging katapangan lamang at malinaw na pag-iisip ang makakaalis sa kanya sa ganoong sitwasyon. She refused to let fear win. If she had made it through before, she would make it through now.
Huminto siya at muling nag-isip nang may bumato ulit sa kanya. Mabilis niya itong nilingon at tama ang kanyang hinala. Isa na naman itong bata na malaki ang tiyan at mga mata.
Ano ba ang ginagawa ng mga batang ito sa gitna ng gubat at nasaan ang mga magulang nito? Ang tanging natanong niya sa sarili.
Hindi na niya ito nilapitan at lumiko nalang. Ilang metro pa lang ang kanyang nalalakad nang muli siyang napahinto dahil sa sigaw na kanyang narinig.
Napakalakas nito at hula niya'y dinig ito sa buong Sable forest.
Mukhang may kaaway ito dahil parang galit ang bata. Nilingon niya ang direksyon nito at nakita ang mas matangkad na tao. Mukhang mas matangkad pa ito sa kanya.
Naramdaman niya ang panganib sa mga iyon at sa bundok. Bukod sa pagbato sa kanya ng dalawang beses na weird para sa kanya, nakadagdag din doon ang sigaw na kanyang narinig.
Umatras siya at maglalakad na sana nang may maapakan siya sa kanyang likod. Narinig din niya ang mahina nitong mura.
_________________________
"What the hell do you think you're doing?! Have you completely lost your mind?!"
Mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay at kinaladkad siya pabalik sa talon. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito roon? Sinusundan ba siya ni Gael?
Napalayo nga siya. Ilang minuto na silang naglalakad ngunit hindi pa rin nila nakikita ang talon. Maging ang lagaslas ng tubig nito ay hindi niya marinig kahit anong pilit niya.
"If you're going to get lost in a big forest, at least don’t make others worry!" Litanya nito habang naglalakad.
"I didn’t know I would end up here. I just wanted to take pictures." Sagot niya sa binata. Hindi nakatakas sa kanyang tenga ang munti nitong mura na sinundan ng mahabang ungol. He also called her someone who doesn’t care about what she does like a cat knocking things over just for the fun of it. Saglit siyang nairita sa kasama.
Nagtaka siya nang huminto ito. Agad niyang binawi ang kamay at nauna na sa paglalakad.
"Can you stop walking ahead? I think we're lost. f**k!"
"A-Ano?" Wika niya at napalingon.
"Dammit!" Muli nitong hinawakan ang kanyang kamay at hinila siya sa dakong silangan.
"This is your fault!" Paulit-ulit nitong wika. Nagpatianod nalang siya sa binata. Kalaunan ay narinig din nila ang lagaslas ng tubig. Hinanap nila ang tunog na iyon hanggang sa makita ang talon.
Marahas nitong binitawan ang kanyang kamay nang makita ang papalapit na mga kasama.
"Salamat...Gael." Wika niya bago pa man ito lumayo at magtungo sa mga lalaki.
Halata ang pangangamba ng kanyang mga kasama. Si Nikki ay halos maiyak na dahil hindi nito alam kung saan siya hahanapin. Nang mapatingin siya kay Rosalie ay tumango lang ito at tipid na ngumiti. Napahawak siya sa ulo nang may humila sa kanyang buhok. Nilingon niya ang gumawa noon at nakita niya ang kaibigan na namumula na ang mga mata.
"Siraulo kang babae ka!" Mahigpit itong yumakap sa kanya. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa gulat. Nag-aalala rin pala ito sa kanya.
Gumanti siya ng yakap at itinago ang mukha sa balikat ng kaibigan.
"Raquel is here, which means we need to proceed to the next stop, Silent Peak. I know you didn’t enjoy our time in Sable, but it’s getting dark, so we need to go now and set up the tents."
Kanya-kanya sila ng dala sa kanilang mga gamit. Napangiti siya nang sabayan ni Selma ang kaniyang mga hakbang. Hindi na rin matigil ang bibig nito na siyang ikinatuwa niya.