Kabanata 5

2223 Words
"M-Maxine!" gilalas na sambit nito. Hindi siya nagsasalita, pero kung nakamamatay lamang ang titig, natitiyak niyang kanina pang nasunog ang mga ito. Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na galit at paghihinanakit. Lumambong ang mukha ni Jack. "M-Maxine, magpapaliwnag ako---" "Oh, come on, Jack! Ano pa ba ang ipapaliwanag mo sa kanya? Wala! Let her go! She's a murderer naman eh," maarte at nakangising sambit ng babaeng hindi niya kilala. Bakit alam ng babaeng ito ang tungkol doon? Sinabi ba ni Jack? Punong-puno ng panguusig ang mga mata niya. Kitang kita ng lalaki ang hinanakit sa mga mata niya. "Shut up, Chloe!" Singhal dito ni Jack. Naninikip ang dibdib na nilisan at tinakbo ni Maxine ang daan palabas. Hinabol naman siya ni Jack kahit tanging kumot lang ang nakatakip dito. Gigil na napasigaw naman sa frustration ang babae sa kwarto. Hinaklit ni Jack ang braso niya. "Wait, Max, magpapaliwanag ako---" Hindi niya magawang sampalin ito. Basta, pakiramdam niya, drain na drain siya ngayon. "Hindi mo kailangan magpaliwanag, Jack. Nakita na ng dalawang mata ko. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa aksyon na sigurado akong ginusto mo. Tama naman. Mas bagay nga kayo. Hindi ka bagay sa akin na isang mamamatay-tao," hindi niya naiwasan na maging tunog mapakla ang salita niya. Umiling ito. "No, Max, hindi ganoon---" Huminga siya nang malalim. "Tapos na ang lahat sa atin, Jack. Kinumpirma ko lang. Nagtataka ako bakit hindi mo ako dinadalaw, may iba ka na palang pinagkakaabalahan," Dumaan ang matinding guilt sa mukha nito. "Max---" "It's okay, Jack. Huwag mo nang sayangin ang buhay mo sa isang babaeng mamamatay-tao," Hindi naman sa nagse-self pity siya, pero sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya, talagang mararamdaman niya 'yon. Tumalikod na siya at humakbang palabas. Kasabay ng paglakad ng kanyang mga paa, ay ang pagtulo ng masaganang luha sa mga mata niya...   NANG MGA sumunod na araw ay mas matindi ang depression na naramdaman ni Maxine. Pakiramdam niya ay bukod sa pamilya at mga kaibigan niya ay wala nang ibang dumadamay sa kanya. Talagang dinibdib niya ang ginawa sa kanya ni Jack. Sino ba ang makakasisi sa kanya? College days pa lang nila inukit na niya sa isipan niya na si Jack ang lalaking para sa kanya. Ang lalaking makakasama niya habang-buhay. At dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya ay tila naglaho na parang bula ang pag-asang ‘yon. Mahal niya si Jack. Totoong mahal niya ito kaya nasasaktan siya ngayon. Hindi niya maisip kung paano nito nagawa sa kanya ‘yon.  Tumulo ang luha sa paligid ng mata niya, akmang pupunasan na niya ‘yon nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang kanyang ama na si Manuel. “Maxine, hindi ka raw kumakain sabi ni Ina. Anong prob--” natigil ito sa sinasabi nang makita ang ayos niya. Nagaalalang napasugod ito sa kanya.  “Anak!” malakas na sigaw nito at dinaluhan siya sa kama.  Naninikip ang dibdib niya sa pag-iyak. Hindi siya makahinga ng maayos. “Diyos ko po! Nagpa-panic attacks ka ba ulit?” Natatarantang tumayo ito sa kama at hindi malaman ang gagawin. Umiling siya at tinuro ang bintana niya. “Can’t breath…” Mabilis na binuksan ni Manuel ang bintana ng kwarto ng anak. Nakapasok ang sariwang hangin na bahagyang nakapagpakalma kay Maxine. Mangiyak ngiyak sa pag-aalala ang matanda at niyakap ang anak. “A-Ayos ka lang ba, ‘nak? Ano bang nangyayari sayo…? Gusto mo bang bumalik sa therapist mo?” Sumigok siya at umiling ulit. “P-Papang… si Jack… I saw him. He cheated on me. W-Wala na pong kasalang magaganap,” “Oh!”  bakas sa mukha ng matanda ang matinding galit. “Hindi nila pwedeng gawin mag-ama ito sa akin!” “H-He’s been cold to me, papang, simula noong aksidente. P-Pagod na ako, papang. Siguro nga… kasalanan ko. Siguro nga, karma ko ‘to, kasi nakapatay ako ng tao…” Awang-awa si Manuel sa itsura ngayon ng anak. Mukha talaga itong malungkot at depressed.  “A-Anak, huwag ka namang ganyan. Habang may buhay, may pag-asa. Atsaka, akala ko ba medyo okay na ang feeling mo?” She sobbed again. “Akala ko rin, papang. Pero nanumbalik sa akin laaht ng sakit. I saw Jack having s*x with other woman,” Pulang pula ang mukha ni Manuel sa galit. Hindi matanggap na niloko ni Jack ang nag-iisang anak. “Hayop na mag-amang ‘yon! Pagkatapos magkapirmahan ng kontrata, ganoon-ganoon na lamang! Babawiin ko sa kanila ang kontrata! Mga hayop sila!” Niyakap niya ang ama. “H-Huwag na, papang… hayaan na natin sila… hindi ko sila masisisi. Pumangit ang tingin sa akin ng lahat simula nang makapatay ako ng inosenteng mag-ina,” parang hiwa sa dibdib ang sinabi niyang ‘yon. Natigilan ang ama. “Pero anak, aksidente lamang ang lahat. Hindi mo plinano ito. Ang aksidente kahit saan at kailan ay pwedeng mangyari. Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat, at ang batas ng tao ay may sinusunod na due process. Hindi ka naman agad agad makakasuhan at ikukulong. Mahabang proseso pa. Hayaan nating gawin ng ating mga opisyales ang trabaho nila. Huwag mong pangungunahan ang mangyayari… isa pa, hindi ba’t sinabi kong bago mangyari ‘yon ay kakausapin muna natin ang biyudo?” Natawa siya ng pagak at napatingin sa kisame. “Ang biyudo? Isa siyang malaking palaisipan sa akin, papang! Sa mga nakalipas na buwan, ni minsan ay hindi man lang siya nagparamdam o nagpakita,” “Baka tulad mo, nahihirapan din siyang i-absorb ang pangyayari. Dalawang buhay ang nawala sa kanya…” pagbibigay rason ng kanyang papang. Alam niya ‘yon. Pero hindi niya alam, bakit iba ang pakiramdam niya sa pagkakataon na ito. “Sana nga, papang. Sana nga, ganoon. Pero, bakit iba ang pakiramdam ko? Parang pakiramdam ko sa ibang pagkakataon aatake ang biyudo?” Lumalim ang gatla sa noo ng matanda. “Binibigyan mo lang ng problema ang sarili mo. Nagpautos na ako sa mga tauhan ko upang kilalanin ang biyudo. So far, wala akong nakikitang pangit o kahina-hinala sa kanya. Isa siyang magaling na negosyante. At base sa report, mabuti at mabait na tao raw,” Ewan niya ba. Iba talaga ang pakiramdam niya. Sino bang tao na mananahimik pagkatapos mamatay ng dalawang buhay? Maaring hindi brutal ang naiisip niya. Pero iba talaga ang nararamdaman niya. Bumuntong-hininga ang ama. “I think, you should rest anak. Sobrang stress ka at dinagdagan pa ni Jack. Mabuti na rin ‘yan atleast alam na natin ang totoong kulay ng hayop na lalaking ‘yon. Huwag na huwag niyang ipapakita sa akin ang pagmumukha niya dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya!” nanggagalaiting wika nito. Bumaling ito ng tingin sa kanya. Hinalikan siya sa noo at tinaas ang comforter hanggang leeg niya. “Hindi ka namin iiwan ng mamang mo, anak. Naririto lang kami para sayo. Tutulungan ka namin hanggang sa gumaling ka. Kung kinakailangan magpatherapy ka ulit sa psychologist, gagawin natin,” Natouch naman siya. Totoo ngang kapag nasan gitna ng kagipitan, tanging ang pamilya mo lamang ang makakatulong sayo.  “S-Salamat, papang. I love you,” Nangiti ang kanyang papang. “I love you too, my princess,” Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ni Maxine. *** 6 MONTHS AFTER “Sige na, huwag mo na kaming ihatid sa labas, kami na maglo-lock ng gate mo,” ani Lyn sa kanya. Kagagaling lang ng mga ito sa apartment niya. Dumalaw ito sa kanya at si Anna. Halos isang taon na rin simula noong nangyari ang aksidente. At masasabi ni Maxine na medyo kahit papaano ay hindi na siya katulad noong una na sobrang depress at nagkapanic attacks. Medyo hindi na rin masakit sa kanya ang panglolokong ginawa ni Jack. Ngayon ay very much single siya. Pero wala siyang balak maghanap ng pag-ibig.  At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Dimitri Finnegan, ang biyudo.  Gusto na tuloy niyang isipin na wala na talaga itong balak magpakita sa kanya o buksan ang kaso. At dahil medyo nakarecover naman na siya, bumalik na siya sa buhay ngayon ay inaayos niya ang pagbubukas ng maliit na business niya. Tama naman ang kanyang pamilya. Harapin niya ang kaso kapag nand’yan na sa kanya. Pero tuloy lang ang buhay hanggat wala pa. Hindi naman niya tinatakasan si Dimitri Finnegan, ito lamang ang hinihintay niya. “Salamat sa pagdalaw. Naaappreciate ko. Sa uulitin!” nakangiting aniya at kumaway sa mga kaibigan. Masaya ang araw na ito. Nanood sila ng mga kaibigan ng netflix. Nagmovie marathon sila. Nagorder din ang mga ito ng pizza at kung anu-ano pang merienda. At alam niyang inaaliw siya ng mga ito. Okay okay naman na siya, sa tulong ng pamilya, kaibigan at ng magaling niyang psychiatrist. Muling bumalik sa normal ang buhay niya. Sinilip na lang niya sa bintana ang pagalis ng kotse ng mga ito. Niligpit niya ang mga bote ng light beer na nakakalat sa sala niya at nag banyo muna. Nakakaramdam siya ng bigat ng pantog. Maya-maya pa’y may nagdoorbell sa pintuan niya. Napakunot-noo siya. May nakalimutan ba sila Lyn at Anna? Sa oras ngayon na alas-ocho, wala siyang inaasahang bisita bukod sa dalawa. Ang papang at mamang niya ay bumalik na sa probinsya at nangakong dadalaw every weekends. Si Nanay Ina ay sumunod na rin sa dalawa sa probinsya.  Nagkibit-balikat siya at hindi na nag-abalang ayusin ang sarili. Nakasuot lang kasi siya ng manipis at tight shirt, at nakamaong shorts lang din na maikli para kumportable sa bahay. “Sandali!” sigaw niya at tinuyo muna ang kamay. Wala namang peep hole ang pinto niya kaya binuksan niya na ang pinto. “Oh, may nakalimutan ba--” Nabitin sa ere ang sasabihin ni Maxine nang makitang isang matangkad na lalaki ang matiim na nakatitig sa kanya. Napalunok siya ng wala sa oras. Nagsusumigaw ang kapangyarihan at pagkadominante sa katauhan nito. Sa tantiya niya ay taas itong anim at tatlong pulgada. Itim na buhok, makapal na kilay at mahahabang pilik mata. Manly din ang pagkakatangos ng ilong nito at ang labi ay bumagay sa mukha. Kahit gabi na, ay pansin niya na may kulay ang mga mata nito. Maputi ito at naaamoy niya ang mabangong amoy nito. In an instant, inakala ni Maxine na kaharap niya ngayon ay isang may lahing banyaga. Hindi man lang ito nagsalita o hiningi ang permiso niya. Kusa itong tumapak sa loob ng unit niya at sinara ang pintuan. Doon lamang siya nahimasmasan. “H-Hey! Sino ka?! Bakit pumapasok ka sa loob ng bahay ko?!” akmang bubuksan niya ang pintuan ngunit pinigil siya ng lalaki. “Huwag kang magsayang ng laway at pagod, hindi ako masamang tao. Maxine Lagera, right?” kahit ang boses nito ay lalaking lalaki na talagang bagay sa itsura nito. Napalunok siya. Bakit ngayon lang siya nakarinig ng isang lalaking ganito kaganda ang boses? He has a bedroom voice! Goodness! “B-Bakit mo ako kilala…? S-Sino ka ba…?” natatakot na sambit niya. Kahit gaano pa ito ka-gwapo, trespassing ito at baka mamaya patayin pa siya! Sinuksok nito ang dalawang palad sa bulsa ng pantalon. "I suggest you to calm down. Wala akong gagawing masama sa'yo, infact, gagawin ko pang magaan ang buhay mo,"  Napalunok siya. "O-Okay... but, if you don't mind, bubuksan ko ang pintuan. I'm scared," pag-amin niya. Bumuntong-hininga naman ito. "Alright, kung 'yun ang ikapapalagay ng kalooban mo," Binuksan niya ang pintuan at tumayo roon. Nagsalubong ang kilay nito. "You don't expect me to talk to you there? Dikit dikit ang bahay dito. Maraming chismosa. Ayaw kong marinig nila ang paguusapan natin," seryosong sagot nito. "S-Sino ka ba, mister? At... at anong kailangan mo sa akin?" Tumingin muna ito sa kanyang mga mata. Nanunuot ang titig. Kitang kita niya kung paano nito pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan at naningkit pa ang mata nito nang dumako ang tingin nito sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit parang napahiya at napagkrus ang braso sa dibdib. Bagama't may bra siya, pang bahay lang na bra 'yon kaya talagang hubog doon ang malusog na dibdib niya. Namula ang dalawang pisngi niya. "Tingin ko, wala kang importanteng sasabihin! Makakaalis ka na, kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" pagbabanta niya. Tumawa ito ng nakakaloko. "Hindi mo magagawa 'yan dahil sa sasabihin ko sayo," "A-Ano...?" "Let's not beat around the bush, Maxine, I'm Dimitri Finnegan," pakilala nito sabay abot ng kamay. Namilog ang mga mata niya. Dimitri Finnegan! Ang biyudo! Ang asawa at ama ng dalawang inosenteng buhay! Oh! Pakiramdam niya ay biglang nahilo siya, labis ang kaba at panginginig niya ngayon. Hindi niya ineexpect na ito si Dimtiri Finnegan, mukha itong mas bata sa edad. Ineexpect niya ay mukhang matandang pamilyado na. Mukhang binatang binata pa si Dimitri Finnegan... "Now, let me close the door for you. I'm sure, hindi mo gugustuhin na marinig ng mga kapitbahay mo ang sasabihin ko sayo," sarkastikong sabi nito. Tumayo nga ito at ito ang nagsarado ng pintuan ng apartment niya. Ni hindi niya man lang naaalala na ipagkuha ito ng maiinom o kahit anong pagkain. Nawiwindang siya, bakit naririto ang biyudo?! Maniningil na ba ito sa kanya? "Oh, hindi mo kailangan umarte ng ganyan, Maxine. Hindi ka naman sa slaughterhouse dadalhin. But anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to talk about us..." ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD