Kabanata 21

1626 Words

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mong magkabalikan kami ni Maxine, Mikee. Dapat nga ikaw ang nagpupush sa akin ngayon dahil ikaw din naman ang dahilan kung bakit ko nagawa kay Maxine 'yon. You brainwashed me," Namutla si Mikee.  Kinuha na niya ang flowers at ang tsokolate at akmang lalabas na siya sa kwarto nang yumakap sa kanya si Mikee at humagulgol. "Please, Jack! Huwag kang umalis!" mangiyak ngiyak na pigil nito. Napakunot-noo na siya at tinitigan ang kapatid. "Ano bang nangyayari sayo, Mikee? Bakit ka ba nagkakaganyan?" nagugulumihan na siya. "M-Mahal kita, Jack! Mahal na mahal! Ayaw kong mapunta ka sa babaeng 'yon!" hilam sa luha ang mukha nito. Nayanig ang mundo ni Jack. Napakuyom ang kamao. "Alam mo ba ang sinasabi mo, Mikee?! Magkapatid tayo, for goodness sake!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD