"May problema ba kung naririto ako? Bahay ko 'to, Maxine," Napabuntong-hininga siya. Oo, at naroroon lang siya upang magbayad ng utang. "O-Okay, magbabanyo lang ako," Nagmamadaling tinungo niya ang bayo. Hindi siya makahinga ng maayos. Naiistress siya kay Dimitri. Pati sa mga kasambahay dito sa bahay. Nawa'y maging maayos ang pagbubuntis niya kapag nagkaroon na ng laman ang tiyan niya. Naghilamos muna siya at nagtoothbrush ulit. Nang sa tingin niya ay kaya na niyang harapin si Dimitri ay nakita niya itong hawak hawak ang cellphone niya. Napakunot-noo siya. Kailan pa nangialam si Dimitri ng personal na gamit niya? Ito nga, ayaw nitong pakialamanan ang gamit nito, tapos ito, okay lang sa kanya? Grabe naman ito. "A-Akin na ang cellphone ko," inilahad niya ang palad. "Hindi mo pa pala b

