Naka-upo akong inaayos ang ang damit ni Via noon na pwede pang gamitin ng bagong miyembro ng pamilya. Magaganda pa ang mga naging damit ni Via noon kaya pwedeng-pwede pang magamit. Buti nalang talaga nagawa kong i-tago ang mga 'to. Minsan talaga, naiiyak nalang ako sa tuwa. Sa isang buong taon, naging maayos kami ni Miguel, nakulong lahat ng nagkasala sa'kin, nagka-meron ng business na nagustuhan ng lahat pero nawala naman si Via. Minsan yung iyak ko, hindi ko na maintindihan. Kung masaya ba ako o malungkot kasi wala si Via sa ginhawang meron kami ni Miguel ngayon. Napukaw ni Miguel ang aking atensyon nang marinig ko s'yang naiinis na sa pagbubuo ng crib. Napansin kong kanina n'ya pa binubuo 'yung crib ni Via pero hindi s'ya magka-igi. Hindi ko alam pero natutuwa ako kay Miguel, he's r

