Nakapa-maywang kaming tatlo nina Brent habang nasa harap kami ng malaking mall na ito. Wala pa talaga silang idea kung bakit ko sila dinala dito. Sanay kasi silang sa club at bar ko dinadala. Pero ngayon, iba na. “Bakit tayo nandito?” buryong tanong ni Brent sa’kin. “May surprise ako kay Pat. Syempre hindi pwedeng mawalan ng decorations and other stuff for the party.” Sabi ko dahilan para mapatingin sa’kin si Brent habang si Kiko naman ay nakatingin lang sa’ming dalawa. “Ang yaman mo, ‘tol. Tapos ikaw bibili ng mga pang-decorate?” pagtatanong ni Brent bago ko s’ya bigyan ng ngiting nakakaasar. “Brent has a point, bro. Pwede naman tayo magpa-catering nalang, tapos mag-contact tayo ng mga event organizer or ano.” Pag-sangayon ni Kiko kay Brent. Mukhang pinagtutulungan talaga ako ng dal

