"Hon…" bahagya kong minulat ang aking mata na agad ko ring ipinikit dahil sa pagtama ng liwanag sa aking mata. "Wake up." muli kong minulat ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Miguel sa tapat ng tainga ko. Agad ko s'yang hinarap dahilan para muntik nang magtama ang aming mga labi. "Just wanna say, Good Morning." agad akong napangiti dahil sa sinabi ni Miguel. Hindi ko naman ito unang beses narinig pero grabe pa rin ang tama sa'kin. "Good Morning, hon." sabi ko habang nakatakip sa aking bibig. Nakakahiya dahil baka bad breath ako. "The breakfast is ready." agad akong tumango habang nakangiti. Tumindig na ito at nilisan ang silid. Nakaalis na s'ya pero hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi. Ang saya pala maging isang married person. Ang saya makatanggap ng yakap at hali

