Ilang minuto s'yang natahimik, "Sasama ako sa'yo pero uuwi rin ako kayna Mama kapag sinabi ko." mabilis akong tumango habang nakangiti. Ibinaling ko ang aking tingin kay Mama. Bahagya akong tinalikuran ni Papa at sinamaan naman ako ng tingin ni Mama. Wala na akong paki sa sasabihin nila, basta sa'kin sasama si Pat ay ayos na 'ko. "Let's go?" kitang-kita ko sa mga mata ni Pat na parang hindi niya ginusto ang kanyang pag-oo sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi nga naman niya ako naalala. Ipapakita ko sa kanya na hindi niya pagsisihan na sumama siya sa'kin. Mabilis lang ang aming naging biyahe, wala pang trenta minutos ay nakarating na kami agad sa bahay. Hindi kami masyado nag-usap ni Pat. Naging tahimik lamang ang aming byahe dahil halos mabali ang leeg ng aking asawa sa p

