NGINITIAN ko at binati ang mga empleyadong bumabati sa akin pagpasok namin ni Dax sa Montevista hotel. Naroon kami dahil sa photoshoot na sinabi ni Mom. Pumasok kami sa function room. Yung mga camera at ilaw agad ang bumungad sa paningin ko pagpasok namin. Hindi ako sanay sa ganito pero gusto ko ring gawin para kina Mom at sa family business namin. Sana lang magawa ko ng maayos ang pagmo-model ko. "Nandito na pala ang disney princess... Ay I mean Montevista Princess pala!" Napatingin ako kay Madam Rose na tumatawa habang papalapit sa amin. Manager siya ng marketing team at siya ring may hawak ng advertisement ng Montevista hotel. Bakla si Madam Rose na isa sa matagal ng empleyado ng hotel. Bineso niya ako paglapit niya. "Hi handsome Dax!" Bati rin ni Madam Rose kay Dax. "Bet din talag

