Macy's POV BUMANGON ako sa pagkakahiga nang maramdaman ang sikat ng araw sa balat ko. Napatingin ako sa pinto ng balcony na nakabukas kaya pumapasok ang liwanag ng araw. Hinanap ng paningin ko si Dax pero wala siya. Napansin ko sa kama ang kaunting mantsa ng dugo. Ang pagkabirhen kong nakuha na ni Dax ang agad sumagi sa isip ko. I'm not virgin anymore dahil naibigay ko na 'yun kay Dax. Ang pagkabirhen kong sinabi ko noon na ibibigay ko lang sa lalakeng mapapangasawa ko ay naisuko ko na kay Uncle Dax at kahit naisuko ko na sa kanya ang virginity ko ay hindi pa rin sumasagi sa isip ko na siya ang mapapangasawa ko. Siguro dahil kay Red na ako nakatakdang magpakasal. Kahit na naiisip kong si Red ang pakakasalan ko ay hindi naman ako nagsisising bumigay ako kay Dax. Kusang loob kong ibinigay

