PANAY ang tingin ni Ate Marites sa amin ni Dax habang kumakain kami ng almusal. Katapat namin siya ni Dax sa dining table kasama si Manang Cora. "Nahihiwagaan talaga ako diyan sa nasa leeg mo Macy. Kiss mark ba yan? Eh diba wala ka naman jowa?" Usisa ni Ate Marites habang nakatingin sa leeg kong may mga pulang marka ng halik ni Dax. "Tes, bakit ba masyado ka matanong? Wala namang boypren si Macy kaya imposibleng kiss mark yan. Baka kinagat yan ng lamok habang nasa garden sila ni Dax kagabi." Sagot naman ni Manang Cora na nasa mukha rin ang pagtataka sa nasa leeg ko. "Parang noong isang araw ko pa kasi yan napansin eh. Parang nadagdagan pa ngayon." Yung titig na titig sa leeg ko si Ate Tes at hindi ko alam kung bakit big deal iyon sa kanya. "Kiss mark nga yan!" Walang kagatol gatol na s

