Nung isang linggo pa pala dumating ang sulat para sa kanya, halos tatlong araw bago ma deploy ang mga ito sa East Timor, ibinuburol na ang labi nito sa kanilang family ancestral home. Nakita niya din kung paano nagluksa ang kanyang mga magulang at kapatid para sa pagkawala ng babaeng itinuring ng mga ito na pamilya. "Kumain kana muna anak." Sabi ng Mommy niya na di man lang niya namalayang lumapit sa kanya, di siya makausap ng matino simula nung maiburol ang mag ina niya. Walang araw na di siya umiiyak lang at paulit ulit na sinisisi ang sarili sa pagkawala nito. Mabuti at kaka election lang din at tapos na ang isang term niya ngayong buwan na ito, maayos na niyang ibinilin sa kanyang secretary at staff ang mga documents na kailangan para sa turn over ng position. Nagpasya siya na di na

