Parang ang hirap na paniwalaan ng mga nangyari kanina, sino ba naman kasi ang mag aakala na anak pala ng isang bilyonaryo si Raya. At ang siste ay kalaban pa ni Dos sa negosyo kaya ayun mukhang mahihirapan ang lalaki na makuha sila mula sa ama ni Raya. Nalaman nilang matagal na pala na sinubaybayan nito ang buhay ni Raya. How she wished na may ganun din siyang kapalaran, kahit di nalang sa bilyonaryo na part, kahit mahirap lang na ama ayos na siya basta may ama lang. Isa iyon sa mga di nila napag usapan ng kanyang biological mother noong nagpunta siya sa US para tanungin ito tungkol sa pagiging ina nito sa kanya. Hiniling pa ng matanda kay Raya na ipa annul ang kasal nito kay Dos, good thing na ipinaglaban talaga nito ang pagmamahalan nilang mag asawa at ang pamilya nilang binubuo para s

