Pinalipas niya na muna ang ilang araw upang maghintay na magkusa itong magpakita sa kanya kagaya ng nakasanayan niya. Pero mukhang tutuboan nalang siya ng ugat ay walang Aqua na lilitaw sa harap niya. Ubos na ubos na ang pasensya niya dito, napapagod na din siyang hanapin ito ng hanapin. "Bakit kasi di mo talian na para di ka ganyang hanap ka ng hanap." Si Vince na nakaupo sa harap niya at may hawak na kopita ng alak. "Yun naman ang binabalak ko diba, balak ko na pakasalan na para di na din masama sa organisasyon at ayoko na maagang mamatayan ng asawa." Sabi niya na nilagok ang natitirang laman ng kopitang hawak niya. "Ang hirap na kasi niyan e, manghuhula kana ngayon kung may chance paba kayo." Si Domm na tumingin ng makahulogan sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya di

