Di siya makapaniwala sa kanyang natuklasan, sinabi sa kanya ng mga babae ang kanyang mga nakalimutan na alaala, yung reason kung bakit siya nawala at inakalang patay na. Ayon sa mga ito ay kasapi siya, sila ng isang organisasyon at isang araw matapos na makalabas ng hospital ay isasalang sila sa isang stress debriefing. Part ng organization ang stress debriefing sa mga survivors ng mga missions. And in there malalaman ang pinagdaan nilang apat during and after the operation, tila lalong sumakit ang brain cells niya sa mga nalaman niya. Ang akala niya ay matutulongan siyang matugonan ang kanyang mga tanong. Ngunit tila mas nadagdagan pa yata, mas lalong dumami ang mga question mark sa kanyang isip. Ayon dito ay isa silang armed group. "Isa akong sundalo?" Tanong niya sa mahinang tinig

