Kath's POV Kasalukuyan akong nandito sa veranda. May mga naiisip lang ako ng kung ano ano, katulad ng nangyaring pagsubok samin last month. Ewan ko kung bakit mahal na mahal ko si Ethan, sa totoo lang hindi ko naman siya bet noon. Hahaha. Nakakatuwa lang isipin na sa sobrang dami naming pinagdaanan kami parin ang nagkatuluyan. Nalaman kong umalis narin si Hope dito sa pinas, nagpagamot daw ito sa ibang bansa sabi ni Ethan. Buo na ang pamilya ko, wala na akong mahihiling pa. Gusto ko rin palang makita si Papa, gusto kong humingi ng kapatawaran sa mga salitang sinabi ko noon. Hindi naman talaga ako galit sa kanya, gusto ko lang marealize niya ang pagkakamali niya. "Baby parang ang lalim naman ata ng iniisip mo." Napangiti ako nang yakapin ako ni Ethan sa likuran. "Wala lang." "

