Chapter 4

1214 Words
Kath's POV It's been months mula nang namatay ang kapatid ko. Masakit para sakin na iniwan niya na kami. Iniisip ko minsan nandiyan lang siya sa tabi ko. Nagbabakasakali na panaginip lang ang lahat ng ito. Na buhay pa siya kasama namin. "Ate, aalis na po ako." Paalam ni Kira. Aalis narin si Kira, kailangan niya nang mag-enroll sa papasukan niyang paaralan. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil baka maiyak lang ako. Tumango ako sa kanya tapos tumalikod. Narinig ko ang mahina niyang magiyak, kasalukuyan itong palabas ng bahay nang pigilan ko ito. "Kira?" "Ate." Niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit ako hindi ko na napigilan ang luha ko. "Ate hindi na ako magkokolehiyo. Dito na lang ako sa tabi mo." Sabi niya. "Kira diba napagusapan na natin ito? Magaaral ka ng mabuti para pagtanda mo matutupad ang lahat ng pangarap mo. Diba gusto mo maging Doctor? Diba sabi mo tutulong ka sa mahihirap na katulad natin? Kira para rin sayo ito. Mahal na mahal kita okay? Lagi mong tatandaan yan." Umiiyak na sabi ko. "Paano ka po? Wala kang kasama dito." Nagaalalang tanong niya. "Okay lang naman ako dito. Hindi naman ako nagiisa, nandito si baby." Hinawakan ko ang tiyan ko. "Ate mahal na mahal kita, magiingat ka dito ha." "Sige na't magiingat ka rin. Mahal na mahal kita." Tumango naman siya. Lumabas na siya ng pinto kaya lalo akong napaiyak. Ako nalang ang magisa sa bahay na ito, bakit sobrang lungkot. Sinara ko ang pinto at nagtungo sa kwarto. Humiga ako sa kama at hinimas ang umbok ng tiyan ko. "Tayo na lang muna baby. Sayang hindi mo naabutan si Tito mo. Excited pa naman yun na makita ka. Si Tita Kira mo naman kailangan niya munang magaral para matupad niya ang mga pangarap niya." "Yung lagi kong sinasabi sayo lagi mong tatandaan ha. Kapit lang kay mama baby ko. Wag mo din ako iiwan dahil baka hindi ko na makayanan ang sakit." Pakiusap ko sa anak kong nasa sinapupunan ko. "I love you my little angel." Pinunasan ko ang aking luha. Nakakasama daw sa buntis ang labis na pagiyak kaya minabuti ko na munang magpahinga. ---------- Maya maya may narinig akong katok na nanggagaling sa pinto. Hindi ko na sana bubuksan kaya lang palakas ng palakas ito. Bumungad ang tatlong lalaki na naka black suit sa harapan ko. "Kayo po ba si Kathleen Dee?" Tanong nila. "Oo ako nga. Bakit po? Ano ang kailangan niyo sakin?" Magalang na tanong ko ngunit bigla nila akong hinawakan sa kamay at pilit na pinapasama sa kanila. "Bitawan niyo ako! Hindi ko kayo kilala." Sigaw ko. "Wag na po kayo manlaban para hindi kayo masaktan at ang baby niyo." Sabi ng isang lalaki. 'Pano nila nalaman na buntis ako? Sino ang mga taong ito.' Tanong sa isip ko. Hindi na ako lumaban dahil natatakot ako na baka saktan nila ako pati narin ang baby ko. Sumama ako ng maayos sa kanila. Hindi naman nila ako pinipwersa, maingat silang nakahawak sa kamay ko. Sumakay kami sa isang magarang sasakyan. 'Ano ba ito? Gagawin ba nila akong p********e o ano?' Habang umaandar ang sasakyan, bigla nalang akong naiyak. 'Katapusan ko na ba? Panginoon, wag niyo po kaming pababayaan. Iligtas niyo po kami sa piligrong ito. Kahit ako nalang ang masaktan wag lang po ang baby ko.' Mahina kong dasal sa Diyos. "Baba na po Ma'am." Sabi ng isang lalaki. Bumaba ako ng sasakyan, laking gulat ko nang makakita ng maganda at napakalaking bahay. Hindi ako umimik at sinundan lang ang mga lalaki. Dinala nila ako sa parang opisina dito sa loob ng mansion. "Hintayin mo dito si Sir." Pagkatapos lumabas sila at iniwan akong magisa. 'Sinong sir ang sinasabi nila?' Nabablanko na ang isip ko. Hindi pa nga ako nakaka move on sa lahat ng pinagdadaanan ko meron na namang bago. Natigil ang pagiisip ko nang biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang napakagwapong lalaki na papalapit sa harapan ko. Guess what? Siya yung ama ng baby ko. Napayuko na lamang ako. Nahihiya ako sa itsura ko. Nakapambahay na bestida lang kasi ako samantalang siya naka office suit. Malay ko ba kasi na magkikita kami. "I heard about the news. You lost your brother." Sabi niya. Hindi ako umimik. "Your sister Kira, nagaaral na siya sa malayong lugar. And you, magisa ka nalang sa bahay niyo. Kaya naisipan ko na mula ngayon dito ka na titira sa bahay ko." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. "Ha? Hindi pwede!" "Why not? You're bearing my child. Ayokong mapahamak ang anak ko." He said. "Hindi naman ako mapapahama--- " Hindi pa ako tapos nang magsalita ulit siya. "Hindi mo kilala ang mga tao." "Bakit ikaw? Kilala ba kita?" Tiningnan niya ako ng masama kaya nakaramdam ako ng takot sa kanya. "I'm sorry." "My decision is final. Dito ka tutuloy sa ayaw at sa gusto mo." Hindi na ako sumagot. Wala naman na akong magagawa eh. Sino ba naman ako para labanan siya? Anak niya rin naman ang dinadala ko. "Hintayin mo dito si Manang." Pagkasabi niya nun tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Umupo muna ako sa silya at huminga ng malalim. Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang matandang babae. ''Hija? Ako si Manang Linda, ako ang katiwala ni Sir. Sumama ka sakin, ipapakita ko ang iyong kwarto." Sumunod naman ako sa matanda at dinala ako sa napakagandang kwarto. Halos wala akong masabi. Itong kwartong ito ay kasinglaki na ng bahay namin. "Kwarto ko po ito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya. "Uhm... ako nalang po ang magaayos sa sarili ko." Sabi ko sa matanda. Ngumiti lamang siya at lumabas na ng kwarto. Naligo muna ako at nagayos. Kinuha ko ang binigay niyang isang malaking t-shirt at underwear. Tinawag niya ako para kumain tutal nagugutom narin ako kaya bumaba na ako. Hinanap ko sila Manang ngunit wala sila dito, may nakahanda sa lamesa na iba't ibang luto ng pagkain. Isang plato lamang ang nakalagay dito. Hindi naman ako sanay na kumain sa malaking lamesa kaya napagisipan kong sa kusina nalang kumain. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko narin ang plato na pinagkainan ko. Gabi narin ako nakakain kaya napagdesisyunan ko nang bumalik sa kwarto ko. ---------- Lumipas ang ilang oras ngunit hindi parin ako makatulog, namamahay siguro ako. Sanay kasi ako sa bahay na maliit lang ang higaan at nakaelectric fan lang, hindi katulad dito may aircon. Tumayo ako at pumunta sa veranda ng kwarto. Ang tahimik ng buong bahay, ni wala akong marinig kahit na anong ingay. Mas lalo akong nalulungkot dito. Naaalala ko na naman ang mga kapatid ko kahit kasi dis-oras na ng gabi ang iingay parin nila. Tumingin ako sa kalangitan at wala ring bituin. 'Nakikiramay ka rin ba sa kalungkutan ko?' Tanong ko habang nakatingin sa kalangitan. Cough cough Napatingin ako sa likuran ko. "What are you doing here? Hindi pwedeng nagpupuyat ang mga buntis." Sabi niya, hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya "Sorry hindi kasi ako makatulog." "Matulog ka na. Bukas kakausapin ulit kita." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nagiwas naman siya ng tingin sakin at umalis na. Huminga ako ng malalim at bumalik na sa higaan. Ilang saglit pa ay hinila narin ako ng antok. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD