Sa mga narinig niya ay lalo lang siyang nasaktan hindi na niya kinaya pa kaya naman tumakbo na siya palabas ng opesina agad siyang sumakay sa elevator ng bumukas ito. Wala na siyang pakialam kung anu sabihin sakanya ng mga taong makakita sakanya ang gusto lang niya ngayun ay ang makaalis at makalayo sa lugar na ito.Nagulat pa si Joseph at Alvin ng tumatakbong lumabas si Vanessa mula sa office ni Ed sakto kasing lumabas din sila sa elevetor ni hindi na nga ata sila nakilala ng dalaga dahil sa puno ng luha ang mukha nito. Dumaretso ito sa elevator at agad na pinindot ito para sumara agad naman pumasok ang dalawa sa office ni Ed upang tanungin sana kung bakit anu nangyari ngunit pati sila ay nagulat sa naabutan sa loob ng office nito. Nagkalat na papeles sa sahig at si Jessie na naglalagay ng

