Pagsapit ng umaga nauna na siyang umalis sa condo ni Ed dumaretso na siya sa kompanya nito.Samantalang ang binata ay may dinaluhan namang meeting.Pagpasok na pagpasok niya sa pinto ng kumpanya ay iba na ang pakiramdam niya dahil sa mga tingin ng tao sakanya. ''Parang may gusto silang sabihin? ngunit natatakot sila.''Ipinagsawalang bahala nalang niya ito at tumuloy na siya sa taas kung saan ang kanilang office.Payapa siyang nagtrabaho dahil walang nangistorbo sakanya hanggang tanghali dahil hindi dumating si Ed. Nang mag lunch break na ay pumunta na siya sa canteen at hinanap ang mga kaibigan kumuha muna siya ng kanyang kakainin bago tumungo sa inookopa ng mga kaibigan na mesa''.Hi, bati niya sa mga ito ng nakangiti ngunit parang nabigla ang mga ito pagkakita sakanya.''Bakit ganyan ang mga

