Alas siyete na nang gabi, ng matapos siya sa ginagawa niya.Talagang nag overtime na siya upang matapos na niya ang kanyang ginagawa dahil ayaw niyang matambakan siya kinaumagahan.Mahirap pa naman naghahabol sa mga kailangan matapaos. Alam niyang baka siya nalang ang naiwan sa opesina dahil six ang labasan ng mga empleyado pero hindi siya nababahala dahil may twenty four seven naman na guard hindi siya mapapgsasaraduhan ng pinto.
Pagtapat niya sa elevator nagulat siya ng bumukas ito bigla. At iniluwa nito ang dalawang tao na naghahalikan at halos mahubaran na ang babae dahil nakaladlad na ang strap ng kanyang bra. Hindi ata napansin nang mga ito na bumukas na ang elevator dahil masyado silang busy sa ginagawa nakita pa niya ang kamay ni Ed na humihimas sa s**o ng babae, tumikhim siya para maagaw niya ang atensiyon ng mga ito.
At mukhang nagulat naman ang dalawa sa pagtikhim niya at agad silang naghiwalay.Sa paghahalikan humarap sakanya ang binata at parang proud pa ito sa mga nakita niya dito nakangisi siya habang nakatingin sakanya na para bang pinapahiwatig nito na masakit ba makitang may kahalikan na iba ang dati mong mahal?
Nasasaktan siya sa kaganapang yon ngunit nagpakatatag siya at hindi nagpakita ng kahit na anung emosyon. Ayaw niyang makita nito,na nadudurog ang kanyang puso. Agad siyang sumakay sa loob ng elevator ng lumabas ang dalawa at agad niyang pinindot ang ground floor upang sumara na agad ang elevetor. Dahil kung magtatagal pa siya sa sitwasyong iyon baka bumugay na siya nanginginig na ang kanyang mga tuhod at parang gusto ng lubas ng mga pinipigilan niyang luha.
Hindi na niya namalayan kung paano siya nakasakay nang taxi at nakarating sakanyang tinutuluyan.Basta nasa sala na siya ngayun at nakaupo habang tulala umaagos ng tahimik ang kanyang mga luha parang bumalik sa nakaraan lahat ng kanyang isip ganun na ganun ang mga pinapakita niya sakanya nuon.At ang pinakamasakait ay yung mag broadcast siya sa buong Campus na liniligawan niya si Jessi at tinatanung niya ito kung pwede ba niya itong maging girlfriend. At ang araw na yun ay araw nang mga puso na kung saan umaasa siya na kakausapin siya nang binata at umaasa siya na maayos nila ang hindi nila pagkakaintindihan. Pero nawala lahat ng sagutin siya ni Jessi sa mismong broadcast.
At rinig na rinig ko, lahat nang hiyawan at kantiyawan nang mga studyante. At pati na din nang mga kaklase at kaibigan namin halos lahat at ay masaya sa araw na yun maliban nalang sakanya dahil sobrang nasasaktan siya nadurog nang husto ang puso niya. Dahil sa halos isang taon nila bilang mag jowa nawala lahat dahil lang sa pangyayaring hindi naman totoo. Ngunit kahit anung gawin niya ay ayaw nitong makinig sa paliwanag niya.Simula nuon iniwasa na siya ng binata kahit papasok palang siya sa loob lang classroom pag nakita na siya nang binata ay aalis na ito. Nag iba lahat sakanya nung maghiwalay kame,at hangang sa maka graduate sila ng high school umaasa parin siya nakakausapin siya ng binata.
''Ang pinanghahawakan niya, hangang ngayon ang mga sinabi nito bago sila mahiwahiwalay nung graduation na nila.Nakikipagkamayan na silang lahat sa mga kaibigan nila nang bigla siyang yakapin nito sa likuran niya. Napakahigpit ng yakap na iyon ni hindi siya nakagalaw oh nakapagsalita man lang. Narinig niyang bumulong ito sakanya ang mga katagang binitawan nito.
''Mamimis kita nang sobra hindi ko na masusulyapan ang mga magaganda mung ngiti hindi na kita mababantayan sa mga lalakeng lalapit sayo iiwan mo na ako nang tuluyan Mahal na Mahal parin kita tandaan mo yan Mahal ko''
Pagkatapos ng mga salitang yon ay nawala ang pagkakayakap niya sakin ngunit, paglingon ko ay malayo na naman siya sakin.Tinakbuhan na naman niya ako madami din ako gustong sabihin sakanya pero ayaw niya ako bigyang nang pagkakataon. Iniiwan nalang niya ako, at ni minsan hindi niya tinanung kung anu ang mga nais kong sabihin sakanya. Napaka unfair niya dahil kung anu lang ang nakita at mga sinabi sakanya ay yun lang ang pinaniwalaan niya ni hindi niya tinanung kung anu ang totoo sakin. Basta nalang nagalit siya at iniwan akong ngiisa at hindi alam ang gagawin.
Agad naman umuwi si Ed matapos ang tagpo kanina sa elevator,inantay niya munang makaaalis si Vanessa bago siya bumaba ulit. Nainis pa yung babaeng kasama niya dahil nabitin siguro pero nawalan na siya ng gana nung makita niya si Vanessa hindi niya inaasahan na nasa companya pa ang dalaga. Dahil hindi na office hours mukhang ng overtime ito dahil sa tambak nitong gawain. Hindi niya alam kung anu nararamdaman nito sa nakita nito dahil nang tignan niya ito kanina ay wala itong kaemo emosyon sa kanyang mukha.
Hindi tulad ng dati nuon na sa tuwing makikita siyang may kasamang ibang babae,ay mababanaag mo sa mukha nito ang galit at pagseselos.Kaya naman kahit naging nobya ko noon si Jessi, hindi ako naging malapit sakanya. Dahil sa tuwing nakikita ko siya na nalulungkot ay nasasaktan ako.Mas gugustuhin ko pang mag skip ng klas,para lang hindi ko siya makitang nasasaktan at para maiwasan na din siya dahil sa tuwing malapit ako sakanya ay nais niya akong kausapin.Ngunit natatakot ako kung anu man ang aaminin niya na tama ang mga bagay na nkita ko ng gabi na promnight.Hindi ko matanggap,masakit sakin kaya hanggat maari ay iiwasan ko siya pero bawat iwas ko sakanya nakikita ko naman kung gaano ko siya nasasaktan.
Habang bumabalik sakanyang alaala ang nakaraan nasasaktan parin siya linagok niya ng deretso yung alak na nasa baso niya.Agad gumuhit ang init nito sa lalamunan niya pero kahit magpakalasing siya hindi matatanggal nang alak ang tinik na nakabaon sa puso niya.Hangang ngayon pala hindi parin niya matanggap akala niya naka move on na siya, dahil sa dami ng babaeng dumaan sakanya pero iba parin pala kung makita mu ulit yung babaeng mahal mo at nanakit sayo! Bumabalik lahat ng sakit nang nakaraan.Na kahit anung gawin mo ay hindi na mawawala sa sistema mo? Lalake ako pero naranasan kon umiyak nang todo todo sakanya at sinabihan pa ako ng mga kaibigan namin na bakla dahil nakita nila nuon ang lahat ng pagkadurog ko at ang pagbabago ko.