Chapter 8

1018 Words
''Natapos ni Vane,'' ng maaga ang kanyang mga gawain kaya maaga naman siya makakauwi. Nasa labas na siya ng building at nagaanatay ng taxi na masasakyan ng biglang may tumapat na sasakyan sa harapan niya. At nagbusina pa ito hindi naman niya alam kung siya ba ang tinatawag nito oh ang katabi niya. Hindi niya kasi makilala ito dahil tinted ang salamin ng kotse binaba ng driver ang salamin ng kotse at si Alvin pala ang sakay nito.''Hi Vane pauwi ka na?'' Sabay ka na sakin hatid na kitaSasagot na sana ako ng biglang may sumulpot na sasakyan sa likuran nito at halos mabingi na ako sa lakas ng pagbusina nito. Pagkalingon ko ay saktong hinila naman ako ng isang lalake papasok sa loob ng sasakyan nito. Sa bilis ng pangyayari hindi na ako nakapagreklamo nasaloob na ako ngayon at nakaupo habang ang lalake na humila sakin ay umikot para pumunta sa drivers seat. Nagulat pa ako kung mapagtanto ko kung sino ang basta nalang nanghila sakin at si Ed pala mukhang wala ito sa mood at hindi maganda ang awra nito makikita mung galit talaga ito.''Bakit ba napakabilis mung magtiwala sa mga lalake?'' basta ka nalang sumasama at umo oo sa mga sinasabi nila hindi mo ba naisip na baka gusto ka lang nila dahil sa katawan mo. Sabagay anu bang pinagkaiba nito noon diba ganyan ka naman na dati kung kani kanino ka sumasama kahit may jowa ka na hindi ko nga alam kung...hindi na naituloy ni Ed ang kanyang sasabihin ng bigla siyang sampalin ng dalaga ihinto mo ang sasakyan bababa na ako. I'm sorry mahal hindi ko naman sinasadyang sabihin yun naiinis lang ako kasi ang bilis mu magtiwala at sumangayon sa iba ikaw lang naman iniisip ko.''Bakit anu mo ba ako?'' diba ex mo lang naman ako.At dimo nga alam kung ilang lalake ng dumaan sakin ganun ba!''Gusto mo malaman!'' madami madami na kayung lalake na dumaan sa buhay ko. Sa dami niyo hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilan ba kayo hindi ka ba makapaniwala na ang babaeng minsan mong minahal ay napagsawaan na ng mga ibat ibang lalake.Ihinto mo ang sasakyan sa tabi bababa na ako.Paglabas na paglabas niya sa sasakyan ay siyang buhos ng ulan na napakalakas kaya para siyang basang sisiw. Naglalakad parin siyaat alam niyang nakasunod parin ang binata sakanya. Hindi niya ito pinansin kahit tinawag siya nito na bumalik sa loob ng sasakyan masyado siyang nasaktan sa mga binitiwan nitong salita sakanya ganun na pala kababa ang tingin sakanya ng binata na kahit minsan ay hindi niya ginawa. Nagpapasalamat parin siya sa ulan kahit papano naitatago nityo ngayun ang kanyang mga luha na walang tigil sa pag agos ang sakit sakit na marinig mu sa taong mahal mo ang mga salitang iyon. Na ang inaasahan mung tagapagtanggol mo ay siya pang dumurug sayo ng paulit ulit nakarating siya sakanyang apartment ng naglalakad lang kahit basang basa siya hindi niya inalintana iyon dahil mas masakit ang nararamdaman niya ngayun dumaretso siya sa banyo at naligo upang makapagpalit na siya. Nang matapos siyang maligo ay agad siyang humiga sa kanyang kama. Hindi na siya kumain dahil sa pangyayari kanina.Hindi parin niya mawari kung bakit ganun na lang kababa ang tingin sakanya ni Ed. Samantalang mula nung naghiwalay sila ay ni isa sa mga manliligaw niya ay hindi niya sinagot.Dahil sa pinanghahawakan niyang mga salita na binitiwan sakanya ng binata bago sila maghiwalay ng landas nung graduation nila.Agad nanumbalik sa kanyang isipan ang mga masasakit na nakaraan ipinaramdam sakanya ulit ng binata kung gaano siya nito kinamumuhiaan. ''Pero bakit anung dahilan niya ngayun hindi naman na kame at lalong hindi naman niya ako liniligawan?'' ulit boss ko lang naman siya.Ngunit kung umasta siya ay parang boyfriend ko siya yung dating kahit dulo ng daliri ko ay ayaw niya pahawak na sinong lalake. Kahit nung hiwalay na kame alam ko na binabantayan niya lahat ng mga lalakeng gusto akong lapitan at ligawan siya ang nag tataboy sa mga ito kaya naman ang mga malapit lang sakanya nuon ay ang mga naging kaibigan ko din na alam niyang hindi siya tatablahin ng mga ito.Lumuluha na naman siya pagdating talaga sa binata napakababaw ng kanyang luha.''So kung ako ang lalapitan ng lalake malandi na pala ako!'' sa paningin mo hindi mo lang alam ikaw parin ang mahal ko pero tama na siguro ang kahibangan kong ito para sayo. Tama na ang anim na taon na umasa ako dahil pinakita mu lang ngayung araw na ito na wala na talaga tayong pag asa para sa isat isa.Nakatulugan nalang din niya ang pagiyak nagising nalang siya sa tunog ng kanyang alarm clock sa tabi ng kanyang kama kinuha niya ito at pinatay ngunit hindi pa siya bumabangon dahil medyo masama ang pakiramdam niya dahil siguro sa pagkabasa niya ng ulan kahapon.Ngunit kung hindi siya papasok ngayun ay baka isipin ng mokong na yon na masyado siyang naapektuhan sa mga sinabi nito sakanya. Kaya naman pinilit na niyang bumangon at dumeretso sa kanyang banyo upang maligo para makapagayos na siya papuntang opesina.Pagkatapos niyang magayos ay hindi na rin siya nagluto agad na siyang lumabas mula sa kanyang tinutuluyan at dumeretso na sa sakayan medyo masakit talaga ang kanyang ulo ngunit tinitiis niya. May sipon din siya kaya naman wala siyang ganang kumain dahil alam niyang wala na naman siyang panlasa.Nasa loob na siya ng taxi ngunit iniisip parin niya kung anung klaseng pakikitungo ang gagawin niya kay Ed ngayon lalot sinampal niya ito kahapon dahilan na din ng inis niya dito.''Mam nadito na po tayo hindi pa po ba kayo bababa?'' sabi ng driver sakanya.Hindi niya namanlayan nasa tapat na pala sila ng building.''Sorry po manong eto bayad salamt po.''Binuksan na niya ang pinto at lumabas na sa taxi humugot pa siya ng malalim na hininga bago pumasok sa loob ng building. Binati pa siya ng gwardya nginitian na lamang niya ito bilang ganti at dumeretso na siya sa elevator saktong bukas na ito kaya pumasok na siya may mga kasama siya sa loob papunta na din ang mga ito sa kanya kanyang departamento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD