''Nang makapasok si Ed sa loob ng opesina nito ay para paring nakalutang sa kawalan si Vane. Hindi niya akalain na makikita talaga niya si Ed at ang masaklap ay boss pa niya halos tatlong minuto din bago sya bumalik sa wisyo. Umupo siya saglit upang makakuha nag lakas dahil kailangan na niyang makausap agad si Ed dahil sa kailangan nitong pirmahan na mga papeles na kailangan na din niyang madala sa HR department. Anu ang gagawin ko hindi pwedeng makita niya na kinakabahan ako at lalong lalo na ang makita niyang may epekto parin siya sakin? Huminga muna siya ng malalim at nagbuga ng malakas nakasampung beses siyang hinga buga bago niya napagdesisyunan na tumayo at magpunta na sa loob ng opesina ni Ed. Parehas sila ng floor pero magkahiwalay sila nasa labas siya ng pinaka opesina ni Ed, mayron lang namamagitan sakanilang salaming dingding kaya halos nagkikita parin sila. Naglakad na siya papunta sa pinto kinatok muna niya ito bago siya tuluyang pumasok sa loob. Nang makapasok siya ay nakayuko siya ng bahagya upang hindi niya makita kung anu ang reaksyon ng binata sakanya. Medyo naiilang din siya sa kaisipang dati niya itong nobyo. ''Excuse me Sir itatanung ko lang po sana kung tapos niyo na pong pirmahan ang mga nilagay kong documents sa table niyo binilin po kasi ni Miss Preciuse na urgent daw po?'' And I want to say sorry kasi hindi rin po kita nabati ng pumasok ka po Sir hindi na po mauulit. Ibunaba naman ni Ed ang hawak na ballpen upang tignan ang dalaga ngunit napa kunot noo nalang siya ng makitang nakayuko ito sa harapan niya. Ni hindi na niya makita kung anu ang expression ng mukha niya nais pa naman niyang makita ulit ang napakamo nitong mukha miss na miss na niya ito kung maari nga lang ay yayakapin na niya ang dalaga. Wala parin naiba sa pisikal na anyo ng dalaga mas lalo pa itong naging kaakit akit dahil sa magandang pagkahubog ng katawan nito na kung sinu mang lalaking makakakita dito ay talagang maglalaway ito. Sa isiping yon ay parang gusto nalang niya itago sa loob ng kanyang bahay ang dalaga yung tipong hindi na ito lalabas pa upang walang makasilay sa taglay nitong kagandahan. Napabalik siya sa wisyo ng tumikhim ang dalaga sa harapan niya. Ah Sir narinig niyo po ba ako? Sir kailangan na po kasi talaga ni Miss Precious ang mga documents, kung maari po kukunin ko na po sana? Pero imbes na sagutin niya ang dalaga ay tinanun niya ito kung bakit ito nakayuko at hindi man lang siya magawang tignan ng dalaga naisip pa niyang may dumi siya sa mukha ngunit ng tignan niya ang reflection ay wala naman kahit na katiting kung tutuusin ay napaka fresh niyang tignan sa suot niya at ayos ng kanyang buhok. Hindi naman agad nakasagot ang dalaga sa tinanung niya dito tahimik lang ito na nakaharap sakanya at nilalaro ang mga daliri niya. Napabuga siya ng hangin at tinanung niya ulit ang dalaga. Bakit ka nakayuko at ni hindi ka man lang makatingin sakin Vane may problema ba sa mukha ko?
''Hindi naman sa ganun Sir,'' sumusunod lang po ako sa patakaran niyo po.Patakaran? Yes sir kasi sabi po ng dati niyong secretary ay bawal daw po kayo titigan kaya naman po ako nakayuko.''Thats bulls..t,''Vane bakit ngaun mu lang ba ako nakilala? Hindi naman diba!'' Kaya exemted ka don pwede kang tumingin sakin ohh tumitig sakin.Unless kung may pagtingin ka parin sakin?
Naku sir wala na po, huwag kayo magalala trabaho lang po pinunta ko dito kaya wala po kayong dapat ipag alala.Ok you may leave now.Mabilis naman itong umalis sa harapan niya pagkasara ng pinto ay ibinato niya ang hawak hawak niyang ballpen. Naiinis siya, dahil sa harap harapan nitong pag-amin na hindi na siya mahal nito. Na naka move on na ito samantalang siya,'' siya parin ang hinahanap ng puso niya.
Sa loob ng anim na taon hindi naman siya nawalan ng babae sa buhay niya pero puro lang mga one night stand yun. Pampalipas oras niya ang nagbibigay ng pangangailangan niya bilang isang lalake.Pero pagdating sa relationship wala na siyang ibang minahal kundi siya lang. Pero bakit siya naka hanap na ng iba!'' Siguro nga hindi niya talaga ako minahal, patunay lang ang gabing yon na hindi niya ako minahal.
Alas nuwebe trente na ng pumasok ulit si Vanessa sa loob ng opisina ng boss niya. Para kunin ang mga papeles na kailangan niyang dalhin sa HR department. Magpapalam na din siya para agad naman siyang makabalik para kung kailangan siya ay nandito na siya agad.Nakuha naman niya agad ang mga dokumento at lumabas na siya para dalhin sa HR department ni hindi na siya kinausap oh tinignan man lang ni Ed, Nagtaas nalang ito ng kamay bilang pagsangayon sa sinabi niya.Nakakapanibago ang mga pinapakita sakanya ni Ed masungit na ito at mainitin na din ang ulo.
Hindi na siya gaya nang dati na napaka lambing at napakakulit, palangiti at masayahin.Ngayun kabaliktaran na lahat ng dati niyang pag uugali.''Alangan naman na ganun parin trato niya sayo bakit jowa ka parin ba niya?'' Para gawin niya sayo iyon! tanga lang Vane tanga lang bulong ng kabilang isip niya.Oo nga naman pagsangayon din ng kabila para siyang baliw na kinakausap ang sarili ng biglang bumukas ang elevator.At may pumasok na matangkad na lalake maputi ito at mukhang model sa kakisigan nito ,hindi rin ito pahuhuli sa kagwapuhan gaya ni Ed na matangos ang ilong mas singkit lang ang mata nito kumpara kay Ed labi nito na manipis at natural na mapula at ang jawline niya na lalong nagpatingkad sa mukha niya.
''Hi,'' Miss are you new here? Because I'm not familiar with your face. Yes sir 1-week palang po ako dito. ''Ohh,'' I see ako nga pala si Alvin and you are? Vanessa po. Nice meeting you Vanessa, by the way in what department you are in? Sasagot pa sana siya ng bumukas ulit ang elevator ngpaalam na siya sa lalake at tuluyan ng lumabas.
Thank you Vane at nadala mo on time. Pero kailangan mo ng bumalik agad kasi tumawag si boss bat ang tagal mo raw! Di ata siya aware na hindi mo solo ang elevator.'' Ganun bha?'' sige alis na ako kung ganun kita nalang tayo sa lunch iorderan mo nalang din aq mamaya parang malelate ako sa lunch masama mood ni sir.''Ohh.'' siya gora na baka ikaw pa pagbalingan ng masama niyang mood.