Tumigil ako sa pagtipa sa aking laptop. Isinandal ko ang aking likuran sa leather chair. Napatingin ako sa kisame ng opisina. Kahit ilang linggo nang nakalipas ay sariwa parin sa aking isipan ang wedding proposal ni Aldrie sa akin. Lumipat ang tingin sa aking kamay kung nasaan ang singsing. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang tulad ko, isang simple at normal na s*x therapist ay magpapakasal sa isang Aldrie Ho. Ramdam ko na patuloy pa rin ang pagdidiriwang ng aking puso. Dumapo ang aking mga palad sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Naputol lang 'yon nang narinig ko na may kumatok sa pinto. Agad ako umayos ng upo at hinintay na magbukas 'yon. Dahan-dahan ito nagbukas. Tumambad sa akin na si Tonya ang kumatok. Medyo lumaylay ang aking magkabilang balikat, tila nakahinga ng maluwag sa hindi ko malaman na dahilan.
"Doc?" pormal at malumanay niyang tawag sa akin.
"Yes, Tonya?" maski ako ay pormal ang tono ko.
"Tumawag po ang agent ninyo. Pinapatanong po niya kung ready na daw po ba ang isinulat ninyo for publishing."
Ngumiti ako. "Patapos na din ako. Pakisabi, isesend ko din ito through her email." tugon ko.
Tumango siya. "Okay po, doc."
"Yes, thank you."
Isinara na niya ang pinto ng opisina. Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa laptop, itinuloy ko ang aking pagtitipa dahil kaunting-kaunti nalang talaga ay matatapos ko na ang sinusulat kong mga impormasyon. May editor din naman ako kaya wala ako masyadong poproblemahin.
-
Pagkatapos kong ipandala ang manus sa email ng agent ko ay napatingin ako sa wall clock. Napasinghap ako nang nakita kong pasado ala una na ng tanghali. Agad ko hinatak ang isang drawer ko kung nasaan ang aking cellphone. Chineck ko kung may text message or missed call si Aldrie. Napasapo ako sa aking bibig dahil nakita kong mayroon nga. Panay tawag niya sa akin. Nagtatanong din siya kung busy daw ba ako or what. He keep telling he misses me. Kinagat ko ang aking labi saka nagtipa ng isasagot ko.
TO ALDRIE :
Sorry, hindi ko napansin na tumatawag ka or nagtetext. Tinapos ko lang ang manus. I miss you too.
Tinipa ko ang send. Sumandal ako sa leather chair para hintayin ang kaniyang sagot. Ngumuso ako. Napaisip ako na baka hindi niya agad rin agad masagot ang text message ko. Maybe he had a meeting or what. May sumagi sa isipan ko. Kumain na kaya siya doon? Inilapat ko ang mga labi ko nang maisip ko ang isang ideya.
Nagpasya na akong tumayo. Isang client lang naman ang naappoint ko ngayong araw kaya okay lang. Hinubad ko ang white coat ko saka isinampay ko 'yon sa sandalan ng leather chair. Nag-ayos ako ng sarili. Inayos ko na din ang aking sling bag. Nang maayos na ay lalabas na ako ng Opisina nang nadatnan ko si Tonya na abalang nakaharap sa computer. May mga tinitipa siya doon. Naputol lang ang kaniyang ginagawa nang maramdaman niya ang aking presensya. Agad siyang tumayo nang makita niya ako.
"Doc?"
Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. "Lalabas muna ako, ha? Babalik siguro ako mga hapon na. May bibisitahin lang ako." paalam ko. "Kung may clients man, beep me up."
"Sure po, doc. Ingat po kayo." wika niya na may ngiti sa kaniyang mga labi.
Naglakad na ako paalis. Tulad ng dati ay marami pa ring pasyente sa Ospital na ito. Kahit na dumadaan ako dito sa Hallway. Minsan iniisip ko ay mas maigi na ngang may hindi ako isang surgeon dahil tiyak hindi kakayanin ng oras ko. Sapat na sa akin ang poropesyon na meron ako. Bukod pa doon, mabuti nalang tanggap ni Madame Laraya kung ano talaga ako.
Natigilan ako nang makakasalubong ko si Dra. Gerlie. Siya lang ang mag-isa. Tulad ko ay natigilan siya nang makita niya ako. Lumunok ako, nagbabakasakali na baka maibsan ang kaba na gumagapang sa akin sa mga oras na ito. Ipinagtataka ko lang kung bakit bigla siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nilagpasan niya ako. Bahagyang kumunot ang aking noo sa kaniyang inakto. Maybe she's guilty? Because she know I saw her kissing Aldrie that day. Gustuhin ko man magalit ay hindi ko magawang kumilos. Bukod pa doon ay nag-usap na kami ni Aldrie tungkol sa bagay na 'yon.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng Ospital. Dumiretso ako sa Parkng Lot. Dinaluhan ko ang aking sasakyan. Tumunog 'yon nang buksan ko 'yon sa pamamagitan ng remote. Binuksan ko ang pinto ng driver's seat at umupo doon. Binuhay ko ang makina. Humawak ako sa manibela. Muli ako huminga ng malalim at mas humigpit ang pagkahawak ko doon. Tinapakan ko ang gas saka umusad na ako paalis sa lugar na 'yon.
Habang nasa byahe ako ay naisipan kong dumaan sa isang fast food resto para magtake out ng pagkain bago man ako dumiretso sa destinasyon ko. Habang naghihitay sa order ko ay sumilip ako sa cellphone ko ngunit wala pa rin akong natanggap na mensahe mula sa kaniya. Mukhang busy siya pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi matutuloy ang plano ko na bumisita sa kaniya.
Ilang saglit pa ay dumating na ang order ko. Nagpasalamat ako bago man ako ulit umalis. Habang bumibyahe ay hindi ko mapigilan ang sarili kong maexcite. Siguro dahil first time ko gagawin ang bagay na ito. Na ako naman ang bibisita sa workplace niya. I'm also excited to see his new facial expression sa oras na makita niya ako sa lugar na iyon. Well, sana nga effective itong gagawin ko. Sa akin kasi, ayoko lang na si Aldrie lang ang gagawa ng effort para sa aming dalawa. I want to give some from mine too.
-
Tumapak ako sa lobby ng gusali ay mga abalang tao na ang tumambad sa akin. Narito ako ngayon sa kumpanya kung nasaan si Aldrie. Somewhere in Ortigas. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nagbabakasakali na may makita akong kakilala pero bigo ako. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Papaano kaya ito? Wala akong kontak ng isa sa mga pinsan o kapatid ni Aldrie. Kahit sa kanila man lang malaman ko kung pwede ko bang makita o makausap si Aldrie. Hindi bale, itatanong ko nalang sa receptionist. Humakbang ako palapit sa front desk.
"Good afternoon. Yes, Ma'm, may I help you?" nakangiting tanong sa akin ng isa sa mga receptionist.
Sinuklian ko 'yon ng ngiti. "Hello... Ahm..." nangangapa ako ng sasabihin. Tumingin ako ng diretso sa kaniya. "May I know if Mr. Aldrie Ho is available at this moment?"
"Do you have any appointment for him, ma'm?" muli niyang tanong.
"Wala, eh. Pero pakisabi, Eliza Cutillion..." shocks, bakit bigla ako ginapangan ng kaba ngayon?!
Tumango siya. "Sige po, ma'm." kinuha niya ang telepono sa kaniyang harap at may tinawagan. Nanatili lang akong nakatayo at nag-aabang. Ramdam ko na hindi na ako mapakali sa kinakatayuan ko. Nahuli ko pa nakatingin pa ang receptionist sa akin na para bang nawindang sa kaniyang nalaman. Ibinaba niya ang telepono. "Kayo po pala si Dra. Cutillion. Nasa meeting po ngayon si Sir Aldrie. Nasa 40th floor po ang Opisina niya. Susunduin po kayo ng secretary niya."
What a relief! "Thank you." umalis na ako sa harap niya na may ngiti. Dumiretso ako sa elevator. Dahil may operator doon ay sinabi ko sa kaniya ang palapag kung saan ako bababa.
Nang magsara ang pnto ng elevator ay pilit ko maging kalmado. Dinaan ko nalang sa paghawak ko sa paperbag na hawak ko na may lamang pagkain para sa fiancé ko. I'm really hoping na magustuhan niya ang presensya ko kapag nakita niya.
Tumunog ang elevator. Hudyat na nasa tamang palapag na ako. Nagpasalamat ako sa elevator bago lumabas. Tumambad sa akin ang isang babae na mukhang kanina pa naghihintay. Tila kasing edad ko lang ito. Nang makita niya ako ay ginawaran na niya ako ng ngiti. Dinaluhan niya ako. "Good morning and welcome, Dra. Cutillion." pahayag niya.
"G-good morning din..." shems, hindi ko na yata maitago ang kaba na nararamdaman ko ngayon!
"Nasa meeting pa po ang Vice-President, Dra. Cutiliion. Ang sabi niya sa akin ay pupwede mo po siya mahintay sa kaniyang opisina. Ihahatid ko po kayo."
"S-sige, salamat..."
Naglakad na kami sa hallway kung nasaan ang Opisina ni Aldrie. Finally, makikita ko na ang hitsura ng opisina niya. Kumsabagay kasi, siya ang madalas na bumbisita sa Opisina ko. And here's my chance!
Ang sekretarya ni Aldrie ang nagbukas ng pinto para sa akin. Tumambad sa akin ang organisado at malawak na silid. Bago man ako iwan ay nagpasalamat ko. Dinaluhan ko ang sala set dito sa silid. Ipinatong ko ang hawak kong paper bag sa mababang mesa. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng opisina. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang bawat detalye nito. Kahit ang mga bookshelf na naririto. Puros mga business book ang nakikita ko. Ngumuso ako saka napukaw ng aking atensyon ang kaniyang desk. Humakbang ako palapit doon. May dalawang picture frame na nakapatong sa doon. Tiningnan ko ito. Isang family picture nila at ang isa naman ay litrato namin ni Adlrie na mas lalo nadagdagan ang kasiyahan sa aking kalooban. Ibinalik ko ang mga picture frame sa pinanggalingan nito.
Ganito pala ang ginagawa ni Aldrie. Minsan napapaisip ako, saan sa parte ng silid na ito si Aldrie sa tuwing tinatawagan niya ako o hindi kaya nag-iiwan siya ng text message para sa akin?
Ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang isang bagay na kusang nag-ilaw. Bumaba ang tingin ko. Umawang nang bahagya ang aking bibig nang makita ko na may text message siya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi hawakan 'yon. Tiningnan ko kung kanino galing. Unknown number. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at binuksan ko ang naturang mensahe.
UNKNOWN NUMBER :
Aldrie, please... Talk to me. Hindi ko kayang hindi natin maayos ang gusot sa pagitan nating dalawa. Mahal pa rin kita at gusto kong bumalik sa iyo. Please, give me another chance. Kahit gawin mo na akong kabit.
Sa mga salita na nabasa ko ay pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga. Base sa text message na 'yon, kilalang kilala ko kung sino ito. Ni isa ay walang reply si Aldrie. Ibinalik ko ang cellphone sa desk. Lumunok ako para pakalmahin ang aking sarili. Biglang may nagbukas ng pinto. Napatingin ako doon. Bumungad sa akin si Aldrie na kakapasok niya lang dito. Daig ko pang nakakita ng multo sa estado ko na ito.
"My candy!" bulalas niyang makita niya ako. Mas lumapit pa siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit na akalay mo ay matagal kaming hindi nagkita.
"A-Aldrie..." mahina kong tawag sa kaniya. Ako na ang kusang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin. Diretso ako tumingin sa kaniyang mga mata. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko. "S-sorry kung... Biglaan ang pagbisita ko..."
Mas lumapad ang kaniyang ngiti. Hinawakan niya ang isa kong kamay. Maingat niya akong hinila. Umupo siya sa sofa. Hindi ko lang inaasahan na pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan. Lumapat ang isang kamay niya sa aking hita, samantalang ang isa naman ay nakapulupot sa aking bewang. "Kaya pinatapos ko na ang meeting agad dahil nalaman kong binisita mo ako, my candy." malambing niyang saad.
Napasinghap ako. "S-sorry..." ang tanging nasabi ko.
"Nope. It's okay. Review lang 'yon about sa mga reports last year." he said. "Mas priority kita. Bihira lang din na bisitahin mo ako kaya ayos lang sa akin."
Kung kanina bumigat ang pakiramdam ko dahil sa naturang text message na 'yon, napawi 'yon ni Aldrie sa isang iglap lang! "Sorry din kung may napakialaman ko ang cellphone mo... Nabasa ko na may nagtext sa iyo... Si Gerlie."
"My candy," medyo sumeryoso ang kaniyang boses nang tawagin niya ako sa endearment na 'yon. "Hindi ko rin alam kung papaano niya nalaman ang number ko. Kahit ilang beses na niya ako kinukulit sa text message na 'yon, wala akong pakialam sa kaniya. Ikaw ang fiancee ko. Mas ikaw ang iniisip ko."
"Aldrie..."
"Parte siya ng nakaraan ko, hanggang doon lang siya pero hindi ibig sabihin ay may karapatan pa siya sa akin. Do you know you are my best ever gift that I ever received in my entire life?"
"G-gift? A-ako?"
Tumango siya, muli siyang ngumiti. "Because you are my present. I can't wait to receive my another gift."
"Ano naman 'yon?"
"Our future children." hinawakan niya ang isang kamay ko. Dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "I'm the happiest me when I am with you, my candy. I love you."