Kabanata 6

1750 Words

Alas-dose na ng tanghali nang bumangon si Zam. Ang totoo ay kanina pa siya gising, masyado lamang s'yang nalunod sa kakaisip sa nangyayari kagabi. Magdamag n'yang inisip ang huling sinabi ni Caleb. Pero iniisip n'ya rin kung tama ba ang narinig n'ya. Baka kasi naghahalusinasyon lamang s'ya kagabi dala ng galit at pagod. "Yeah, right. Maybe, it was just my hallucination. Bakit naman n'ya sasabihin sa akin 'yon? Nagkamali lang siguro ako ng dinig," aniya na ang kausap ay ang sarili. Simula kagabi matapos ang tagpo na iyon sa kusina ay ilang beses na n'ya iyon sinabi sa sarili. Ngunit hayun hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin s'ya. Ikinaiinis at pinagsisisihan din n'ya ang pagkakadarag kagabi sa mga halik nito. Tila ba isa itong sirang plaka na paulit-ulit n'yang nakikita sa utak. "Ugh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD