Nanatili akong nakatingin kay Kei matapos niyang sabihin 'yon, at hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong sabihin o kung dapat ba magsalita ako o hindi.
"But in the meantime, pumasok ka muna sa classroom niyo since magsisimula na yung klase." Nagbago na naman yung ugali niya, at wala akong nagawa nung bigla niya akong tinulak mula sa likod ko, at pinapasok sa loob ng classroom namin.
Pagkapasok ko sa loob, lahat ng mga kaklase ko napatingin sa amin, at pinaka naramdaman ko yung mga tingin ni Cress nung makapasok ako sa loob ng kwarto.
Ano bang ginagawa ni Kei!?
I eyed Kei, at ngumiti lang siya bago niya tinanggal yung mga kamay niya sa likod ko.
"Please go to your seat, I have an announcement to make." He pointed his head over my vacant seat, gesturing that I should sit down.
Announcement? Anong announcement naman yung sasabihin niya?
Since wala rin naman akong alam kung anong balak niyang gawin, sumunod nalang ako at umupo sa upuan ko.
Malay ko ba kung anong tumatakbo sa utak nila, at kung ano yung mga plano nila, but as long as it keeps me alive..
I have no qualms about it.
"I was tasked to give this announcement in this class by your adviser, kasi hindi siya makakapasok ngayon." Nanatili akong nakikinig, at tahimik kong pinanood yung mga kaklase kong magtaka dahil sa sinabi ni Kei.
"Because of the recent disappearances and other incidents concerning the students' safety inside the school, there will be a week of suspension in classes.. Starting next week."
Ano..? One week? One week suspension!? Are you kidding me?
Are they telling me to be stuck in that mansion for one week? Ano na naman bang binabalak ni Kean ha!? Let's forget about keeping my head, mukhang mamatay muna ako sa sleep deprivation bago pa ako mamatay sa mga kamay nila.
Nakita kong nagdiwang yung mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Kei, at ito naman ako na iniisip kung saan na ba ako matutulog.
Of course, I wasn't comfortable inside the maid quarters. Marami kami sa loob, two double decks to be exact. So there are four of us in one room. Kahit sabihin na nating tahimik sila at wala naman silang balak na gawin sa akin, malambot yung kama at malaki yung kwarto..
Hindi ako naging komportable sa mga tingin nila sa akin buong magdamag.
Like they were watching my every move.
Kahit sa pagtulog ko, ramdam ko yung tingin nila. Kaya madaling araw na naman akong nakatulog.
"That's all, may you enjoy your free time today." Kei blew a kiss and winked while looking at me after the announcement, at buti nalang hindi 'yon napansin ng ibang mga babae sa loob ng classroom.
It looks like the girls went crazy because of Kei again.
Kei saw himself out of the room, at ayon na nga. For the rest of the day, halos walang mga teacher na pumasok sa klase.
If may papasok man, they would just tell us to continue what we were doing.
Kaya naman sobrang ingay ng classroom.
When it was lunch break, hindi ko alam kung bakit, but I had this feeling na may gustong sabihin sa akin si Kian or at least that's how it came to me, kaya napatingin ako kay sa kanya.
Only to see that he was also looking at me, at nakita kong siyang magsalita.
But there was no voice coming out from him.
When I read his lips, he only said one word.
"Kean."
Okay, so tama nga ako. May sinabi nga siya, and it looks like pupunta na naman kami sa office ni Kean dahil dito.
Napatayo na ako sa kinauupuan ko at ganon na rin siya.
Nagtungo kami parehas palabas ng hallway. Nauna siyang lumabas at ito naman akong nakasunod sa kanya. And just when I was about to go out, nagulat ako nung may nagsara nung pinto.
"You're not going anywhere."
Napatingin ako sa babaeng nagsara ng pinto, at hindi na ako nagulat nung makita ko si Serene Real na nakaharang na sa pinto.
"Kailangan kong lumabas." Ani ko, and she gives me a dry laugh.
"Lalabas ka, kasi nakalabas si Kian? Akala mo ba hindi namin alam 'yon?" Lahat ng babae sa loob ng classroom ay napakasama ang tingin sa akin, at yung mga lalaki sa loob ng classroom umiwas lang ng tingin.
Hindi ko rin nakikita si Rion, so they must've planned this.
"S-Serene, this isn't a good idea." Babala ni Branwen Peria, at nakita ko sa mukha niyang natatakot siya.
Of course, she saw what Kian looked like the day when he almost killed me. Alangang hindi siya matakot.
"What are you afraid of? Is it because she's an Arella? Eh, hindi naman siya humihingi ng tulong sa mga magulang niya." Hindi na ako nagulat nung narinig ko yung mga sinabi niya. Of course, she looked into my background.
Mukhang kaya pala hindi niya ako ginugulo nung mga nakaraang araw..
It's because she was planning something like this.
"Bakit ba sa akin ka nagagalit? I'm not the fiancée."
Banggit ko at tinignan ko yung nag iisang babae na nakita kong nakangiti, and that smile immediately disappeared when everyone turned to look at her.
"Kian rejected our engagement." Nagsimulang magsalita si Jillian Cress, and series of gasps was heard inside the room.
Wala akong pake alam kung anong meron sila ni Kian, pero mas ikinagulat ko yung sunod niyang sinabi.
"And it's all because of you!" She suddenly bursts in tears, at nagsimula nang magchismisan yung ibang mga kaklase namin dahil sa sinabi niya.
He rejected the engagement because of me?
How far can her lies go?
I could only sigh as an reaction, at hinawakan na ni Real yung buhok ko.
"See that? Kasalanan mo 'yan." She blamed me while she was tightly gripping my hair in her hands, at tahimik ko lang siyang tinignan.
"Are you done?" Tanong ko sa kanya, and we heard the door click, at bumukas 'yon.
Lahat nang mata nila nanlaki nung makita nila si Kian nung bumukas yung pinto, at sa tabi niya nakita ko sila Naval at Miedes na nakangiti sa akin nung makita nila ako. I mouthed a small thank you to the two of them, at napabitaw na si Real mula sa pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Let me make this clear." Inayos ko yung sarili ko nung nagsimulang magsalita si Kian, at patuloy pa rin akong sinasamaan ng tingin ni Real, habang si Peria naman ay tahimik na sinalubong si Miedes at Naval.
If this was one of Jillian Cress' plan to pressure me, then there's no way Kian and the others would just idly sit by as it happens.
Kaya tahimik lang akong naghintay hanggang sa may nakarating na tulong— well, I can't exactly call it a help.. But yeah.
"No one is my fiancée, and who in their right mind would marry a maid?"
Rason ni Kian, at lahat ng tao sa loob ng classroom ay natahimik dahil doon. Well, this is the first time we're hearing his voice without any school related context, and he sounded so strict and stern kaya wala na ring nagawa si Real.
Matapos nang nangyari, tahimik akong tinignan ni Kian at bigla bigla nalang umalis kaya sumunod naman ako kaagad sa kanya.
"Stay away from Jillian." Napatingin nalang ako kay Kian habang naglalakad ako sa tabi niya, at napatango nalang ako hanggang sa nakaabot na kami sa principal's office.
Ako na yung nagbukas ng pinto, at naunang pumasok si Kian bago ako.
Sinarado ko yung pinto sa likod ko, at tumayo sa tabi ni Kian at napatingin nalang sa lamesa kung nasaan nakaupo si Kean.
"So, for sure alam niyo na yung suspension?"
A huge grin was plastered in Kean's face, at napatayo siya sa kinauupuan niya.
"From tomorrow onwards, pupunta tayo sa isla na pagmamay-ari namin." My forehead creased with each word that comes out of Kean's mouth, and he continued.
"At dito natin isasagawa ang pagpatay kay Jillian!" Para kaming nagkakaroon ng briefing tungkol sa mga plano sa tuwing papasok ako sa kwartong 'to.
At hindi ko napigilang mairita sa tono na gamit ni Kean kasi parang laro lang sa kanya yung gagawin namin. So this is the reason for the one week suspension?
Para mapatay si Jillian Cress?
It's not like I'm going be lending them a hand on killing her, so bakit pati ako kasama?
Baka mapatay muna ako ng babaeng 'yon kapag nangyari 'yon, but it's not like I have a choice. Kasama talaga ako, whether I like it or not.
"So best prepare, okay? Bring clothes good for one week, and be sure to bring your glasses." His switch has just been flipped, and he's into his flirty mood gaya ni Kei.
And just from that, I knew that I wouldn't be able to handle the both of them in one room.
"How about Haven?"
Nagtaka ako sa tanong ni Kian, at nakita kong nag iba yung itsura ni Kean for a second before returning to a relaxed expression.
"Don't worry, sasama rin siya." Ani niya na parang nararapat lang na sumama si Haven, at tumalikod na si Kian.
Kumilos naman ako kaagad nung makita ko 'yon, since that meant na lalabas na siya at ako na yung nagbukas nung pinto para sa kanya.
"Oh, you can't bring your cat though, kaya maghanap ka nang pwedeng mag alaga sa kanya!"
Pahabol na sigaw ni Kean mula sa office niya, at sinarado ko kaagad yung pinto before somebody else hears what he just said.
May mas lalala pa ba dito?
"So, classes are suspended for a week huh?"
Dahan dahan akong napatango kay Rion habang nasa loob kami ng sasakyan niya papunta sa mansyon ng mga Aerovan.
He volunteered to take me home after school like he would always do, and I gladly accepted. And it's also a good thing, kasi makakalayo ako kay Cress dahil dito.
"So, you're going home?" Tanong ko kay Rion, at dahan dahan lang siyang napatango.
"I have to."
Even though he said it, somehow acknowledging the fact that he has to go home.. It was written all over his face that he doesn't want to.
Gusto ko sana itanong kung bakit, but the again, it might be a secret..
Kaya nanahimik nalang ako tungkol doon.
"Um, actually, I have a favor to ask you." Sambit ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
"Can you take care of Blank for me while I'm away?"
Tanong ko sa kanya at napuno naman ng pagtataka yung mukha niya dahil sa sinabi ko.
"You see, magkakaroon ng some kind of family trip sila.." Medyo alinlangan akong tawagin yung pangalan niya gamit yung labi ko, but the again they told me to use their names..
"Kian." I continued, at tinignan ko si Rion.
"And I'm supposed to come with them, kaya naman walang mag aalaga kay Blank."
Pagtapos kong magsalita, ako naman yung nagtaka nung makita ko yung mukha niya. I don't know what happened, pero bigla nalang siyang natahimik and his face was filled with confusion habang nakatulala.
"Uh, Rion?" I waved my hand over his face para mahimasmasan siya, at mukha namang bumalik na yung kaluluwa niya sa katawan niya.
"Oh, right.. Sa tingin ko kaya ko naman." Nakangiti niyang sagot sa akin at hindi ko talaga maalis sa utak ko yung naging itsura niya kanina.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at hinawakan yung noo niya para malaman kung nilalagnat ba siya o hindi.
"Hm, wala naman.." Ang nasabi ko dahil hindi naman mainit yung noo niya nung hinawakan ko, at nung mapatingin ako sa mukha niya.
Nagulat naman ako.
"Bakit namumula ka na?" Nag aalala kong naitanong sa kanya at napailing iling nalang siya.
"Mainit kasi.." Rason niya kaagad at nagtaka ako.
"Hindi mo ramdam yung aircon?" Tanong ko sa kanya, and he furiously nodded kaya naman napatanong nalang ako ulit.
He was acting weird, but in a Rion kind of way..
"May sakit ka ba?" Tanong ko sa kanya at umiling naman siya kaagad bilang sagot.
"I-It looks like we're here.." Napatingin naman ako sa bintana matapos siyang magsalita at nakita ko na nga yung mansyon sa harapan ko.
Tatanungin ko pa sana ulit si Rion, but when I looked back at him, nagulat ako wala na siya. At napatingin nalang ako sa pinto ng sasakyan na nasa tabi ko, because it was slowly opened by someone..
"Really?" Ang tangi kong nasabi nung makita kong si Rion yung nagbukas ng pinto para sa akin, and he just smiled.
"It's not wrong, is it?" Tanong niya at natawa nalang ako, and we made our way to the mansion.
Pag pasok namin sa mansyon, tinanong ko kaagad yung maid na pinagbuksan kami ng pinto.
"Is she here?" I asked in a whisper, at dahan dahan lang na umiling yung maid. Kaya medyo nakahinga naman ako nang maluwag.
That Cress is not yet here.
I pursued my lips into a thin line, at hinarap ko si Rion.
"Can you wait here? Ako nalang kukuha kay Blank." Nakangiti kong sinabi at nakita ko na naman siyang magtaka, but in the end he just nodded like he always does. I'm glad that he understood, because there's no way I'm bringing him inside a maid's quarters.
I went on my way to my room para makuha si Blank.
Nung makarating ako sa kwarto, kumuha ako ng paper bag at nilagay ko doon lahat ng gamit ni Blank. At saka ko naman kinuha si Blank na tahimik na nakahiga sa kama ko, and I put him back in his cage.
Nang matapos ako, agad akong nagmadali palabas nung kwarto para naman hindi na magtagal pa si Rion at baka mamaya magkita pa sila ni Kian.
And when I finally got to the mansion's door, halos maibagsak ko yung mga dala dala ko dahil sa nakita ko.
It was exactly as I feared.
Kian has his hand on Rion's neck, at may mga lalaking nakasuit na nakatutok yung mga b***l kay Kian. Kian and Rion had a glare on their faces, at parang naghihintayan nalang sila kung sino yung mauunang gumalaw, and it's war right after.
I have to stop this.
"Don't!"
Sigaw ko sa kanilang lahat at napatingin naman sila sa akin, and I ran over to Rion matapos kong maibaba yung mga dala ko.
Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at nagawa kong gawin 'to, but then I only had seconds to think of something.
Hinarang ko yung sarili ko sa pagitan ni Rion at Kian, and I gave the Aerovan in front of me the best glare that I could muster. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin pagkatapos nito, but then when I think about it..
It's like I don't even care anymore.
Dahan dahang naitanggal ni Kian yung kamay niya sa leeg ni Rion, and he looks at me with his dead eyes.
The same eyes that he always had when I first met him.
He was alive, but his eyes were lifeless.
Parang pinipilit niya nalang na mamuhay dito sa mundong 'to, and that's what I thought he felt.
Matapos mapatingin sa akin, sunod siyang tumingin kay Rion na nasa likod ko lang. At hindi na ako nagtaka kung paano niya tinignan si Rion.
It's like you made him eat something, and it left a bad taste in his mouth.
Hindi na siya nagsalita pa, at umalis nalang nang basta basta na parang walang nangyaring bantaan sa buhay nila kanina.
"What the hell happened!?" Napasigaw ako kay Rion nung makaalis si Kian, and the men around us finally lowered their guns down.
"Things escalated.. but don't worry, Miss Eara." Nakunot ko nalang yung noo ko sa sunod niyang sinabi.
"No one plans to pull the trigger anyway, and that goes both ways." He smiled like he was convincing me that nothing would've really happened even if I didn't get in between.
At mula sa paraan na sinabi niya 'yon, sigurado siya sa mga sinasabi niya.
How is he even sure of that?
"You're not hurt are you?" Nag aalala niyang tanong sa akin, and he was taken back when I snapped at him.
"Bakit sa akin ka nag aalala? Ikaw nga yung muntikan nang makipagpatayan!" Unti unti siyang napaatras dahil sa sigaw ko, at napatingin ako sa mga lalaking nakapalibot sa amin..
They must be following Rion the whole time to protect him..
As expected from a family like theirs.
"Sorry." Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa 'yon nalang ang tanging nasabi ni Rion sa akin.
"Just.. don't do that again." After that, every feeling I suppressed inside me came back..
Parang nag-sink in na sa akin yung kaba at takot nung hinarap ko si Kian, at napaluhod ako sa kinauupuan ko.
"Miss Eara!" I heard Rion call my name, at inalalayan niya naman kaagad ako. Napahawak ako sa kamay ni Rion habang dahan dahan niya akong itinayo ulit..
And I tightened my grip on his hands..
"Gusto kong ikaw naman ang mangako sa akin." I saw his eyes widen for a moment, pero nakita kong naging seryoso siya.
"Promise me that you won't do that again." I looked in his eyes as I said that, tumango naman siya.
"I promise." Ani niya na may maliit na ngiti sa labi niya, at nakahinga ako nang maluwag.
There wasn't even a hint of hesitation in his voice.
So I can be sure that this would keep him from butting heads with Kian at least.
"Young master." Napatingin kaming dalawa ni Rion sa isa sa mga lalaki na bigla nalang lumapit sa amin, and just from his look, alam na namin kung anong ibig sabihin niya.
"Mukhang kailangan ko nang umalis."
He didn't even bother to hide the disappointment in his voice, kaya mahina nalang akong natawa sa naging asal niya.
"I'll see you soon." Paalam ko sa kanya, at nakita kong kuhain ng ibang mga lalaki si Blank at yung gamit niya, and they escorted Rion out of the mansion.. At mukhang hindi na nila hahayaan pang mangyari yung nangyari kanina.
"They never get along, do they?"
Napalingon ako kaagad sa likod ko, at nakita ko si Kean na pababa ng hagdan.
"May alam ka ba?" Tanong ko at dahan dahan naman siyang napakibit balikat at ngumiti.
So there really is something between Kian and Rion.
Is it personal? Or family matters?
"That question isn't mine to answer." Sabi ko na nga ba't hindi niya sasagutin yung tanong ko.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa baba ng hagdan, and he suddenly appears in front of me.
And it was weird since hindi na ako nagulat nung nangyari 'yon.
Unti unti na ba akong nasasanay sa pamamahay na 'to?
"Are you ready to go?"