Samantala, nung gabing matapos kausapin ni Sanjo si Siobeh at bago mag perform ay may lumapit na lalaki sa kanya. May ibinulong ito, napaawang ang bibig niya pagkabigla lalo pa may ipinakita itong litrato kaya napagod siya agad. Ngunit kailangan niyang tapusin ang performance at tumbasan ang binayad sa kanya ng club. Dahil sa pagod niya ay wala na siyang lakas at hindi na makapag isip ng kung ano pang bagay. Binalewala na niya ang usapan nila ni Siobeh. Kita naman niya na wala itong pambayad at nais nito ng totoong relasyon. Alam niyang attracted sa kanya ang babae una pa lang kita niya dito sa Erotic Bar. Kahit paano ay naawa siya sa dalaga. Alam naman niya na nag-e-expect ito ng gabing iyon. Nagpapasalamat na rin siya dahil kahit paano ay inasikaso pa rin siya nito. Naisipan niyang

