Kamot ng ulo si Kylie, nag iisip tuloy kung ano ang dapat na gawin. Nagtatampo ang asawa dahil mga kunwari ay paratang niya dito. Pero hindi nya rin maunawaan bakit kailangang magalit ni Sanjo e pwede naman nitong sakyan ang biro niya. Dali-daling nagpalit ng damit si Kylie, pati si Sanjito ay binihisan niya. “Marex, ipag drive mo naman kami please, sa main branch office ni Sanjo.” utos ni Kylie sa bakla niyang driver bodyguard na ang pangalan ay Rex. Dahil bakla ito, kumare ang tawagan ng dalawa. Kaya natutuwa kay Kylie ang kanyang mga tauhan at mga helper dahil napaka-approachable at sobrang kwela. Bawat tauhan niya ay may palayaw siya sa mga ito. “Sure, Boss.” agad na binuksan nito ang pinto ng kotse upang makapasok silang mag-ina. Kung titingnan, sobrang lambot ni Rex kumilos. N

