“Gago ka ba, Sanjo? Kaya nga kami napadpad sa Aklan dahil ikaw itong ayaw magbigay ng chance. Pikang-pika na ako sa'yo sa totoo lang. Lahat na ng katangahan ginawa ko mapalapit lang sa'yo.” nagtatampo na sagot ni Kylie ngunit pigil ang boses, ayaw niyang magising si Nanang kahit pa malayo ang distansya nito sa kanila. Si Sanjito naman at katabi lang din ni Nanang. “Sorry na kasi.” dumukwang si Sanjo at nilapit ang mukha sa asawa. “I-I…I thought…” Huminga ng malalim si Sanjo, hindi maalis ang tingin sa asawa. Si Kylie naman ay tila naumid ang dila at tahimik lang na nakakuyo. Hindi siya makatingin ng diretso sa asawa. Alam niyang sa oras na nakipag eye contact siya sa asawa niya, ipagkakanulo lang siya ng sariling damdamin. “A-Akala ko kaya kitang tiisin, h-hindi pala. It hurts so much th

