KABANATA 1

1213 Words
Magkasunod ang malakas na busina ng Barko isang babala na palapit na sila sa Daungan ng Pier ng Manila. lumipas ang isang oras nakarinig ako ng isang announcement na pinapahanda ang lahat ng pasahero upang sa pagbaba ng barko. Inayus ko ang bitbit kong bag at sinugurado na wala ako nakalimutan. First time ko rito sa manila nagkataon lamang na ang aking kaklase ay nandito sa manila at matagal na siya nag trabaho rito mukhang malaki ang pasahod nito kase medyo umaangat na sa buhay ang kanyang pamilya sa aming probinsya. kaya lakas loob ako sumubok para sa aking pamilya. Laking pagpapasalamat ko sa aking kaklase na ito mismo ang ng offer sa akin na ako ay manunuluyan muna sa bahay nito at tutulungan ako makapasok sa pinapasukan nito. Pagkakaalam ko ay susunduin ako nito dahil sa takot ako mawala rito sa manila. lumipas ang isang oras ay nandito na ako sa baba ng barko at pilit na hinahanap ang aking kaibigan na si Gerlie. May malakas na tinig ako naririnig pero di ko mawari kung saan ito nanggagaling dahil sa dami ng Tao sa paligid ko. Ivy! Ivy! Dai dito ako! sa aking paglingon ay nakita ko ang isang kamay na kumakaway sa akin at laking gulat ko na halos di ko makilala ang aking kaibigan sobrang Ganda nito at ang puti niya makulay na rin ang buhok nito na akala mo taga ibang bansa. Mapupula na rin ang labi at sobrang haba ang pilik mata nito at mas lalo ako nagtataka ang Pananamit nito na suot magkaiba na ito sa dati nitong kasuutan o masasabi mo Dating ayus nito, Ganito ba ang manilenian na tinatawag ng mga kabataan doon sa aming probinsya. Hi Dai! sabay kaway ko rin sa kanya at naglalakad palapit rito. Dai! halos hindi kita nakilala sobrang ibang iba na ang ayus mo yayamanin kana yan ang kadalasan naririnig ko sa ating baryo kapag ganito ang ayus ng mga kababaihan doon galing sa manila yayamanin raw. Humagalpak ito sa pagtawa at palakas ng palakas ang tawa nito at nagbibigay ng attensyun sa ibang tao, kaya medyo nakaramdam ng hiya si Zamara sa kinikilos ng kanyang kaibigan dapat ba ganito ang kilos sa pagtawa medyo nailang kunti si zamara na naging dahilan upang napahinto sa pagtawa ang kanyang kaibigan. Sencya kana dai! alam ko nanibago ka sa dating ako na probinsyana. Pero dai! nandito kana sa manila dapat lakas loob ka rito bawal ang hiya hiya hindi ka mabubuhay niya. hindi ka mapapakain ng hiya hiya na yan dapat dai kapalan ng mukhang pang panlaban dito para may ambag ka sa probinsya Dai. Napatango lamang si Zamara sa naririnig nito kase sa totoo lang sobrang mahiyain niya pero tama nga ang kaibigan niya kailangan niya ng lakas ng loob para makayanan malampasan ang mga pagsubok niya sa buhay ngayun. Nabigla ako sa malakas na hila ni Gerlie sa akin, Halikana Dai at alam ko nagugutom kana kakain muna tayu bago tayu uuwi sa bahay. Napunta kame sa isang sikat na food chain na meron din ganito sa probinsya namin pero isang beses lamang nakapunta nung buhay Ang Ina ni zamara ang sikat na Jollibee. Hinayaan lamang ni Zamara ang kanyang kaibigan ang mag order ng pagkain nila nahihiya siya rito na ito na mismo ang nag treat sa kanya. may dalang pera si zamara pero sapat lamang pang gastos sa pang araw araw sa loob ng isang linggo. Bago siya umalis sa baryo nila. kaya laking pasasalamat ni zamara sa kanyang kaibigan na si gerlie na ito na mismo ang nag-aya sa kanya at gumastos sa ticket ng barko papunta dito sa manila, sa libreng paninirahan niya sa bahay nito at ngayun sa palibre na pagkain na ngayun naman siya nakatikim ulit. Uy! dai bakit ba lagi ka na lang tulala dyan, Inaano kaba ng lamesa at wagas ka makatutuk nito sabay lakas ng pagtawa ni gerlie. Nasanay na ako sa kanya kahit nung high school pa kame ganito na ito may paka makulit at pilosopo, maldita at comedian din minsan kaya nga dami rin ito mga frenny ang tawag niya sa mga kaklase namin at kasama na ako nito. Ikaw talaga hindi ka parin nag babago Gerlie ka parin na makulit at palabiro sabi ko rito sa kanya. Uyy! dai lumi level up na ako rito huwag mo na ako tawagan na Gerlie wala silang kilala na gerlie rito dahil Liza na ako rito ok don't forget that Liza. paulit-ulit remind nito sa akin na siya na raw si Liza aba pati ba naman dito puwede magbinyag ulit ng ibang pangalan marami na ako natutunan sa kanya. Kumain kame sobrang sarap talaga ang chicken Joy para tuloy ako gutom na gutom kase ninanamnam ko ang bawat buto nito sobrang sarap di ko alam kailan ako makaulit kumain nito. Uyy! Dai maawa ka naman sa Manok grabe buto na nga dinurog mo pa sabay tawa naman nito at pati na rin ako nakitawa na rin kase naman sinagad ko talaga ang nguya sa buto ng chicken sobrang sarap kase. Dai! maawa kana diyan sa buto ng manok at bitawan mo na gutom ka pa ba bilhan kita ulit. Napahinto ako sa sinabi niya nakakahiya kase, uyy gerl ay este Liza pala salamat talaga ha pero ok na ako. Ohh siya halikana medyo malayo pa tayu sa uuwian natin at gumagabi na dai. kaya mabilis kame umalis agad sa food chain sumakay kame ng jeep, tapus lupipat kame sa ibang jeep naman at ng trysikel pa kame halos apat na oras din ang biyahe bago kame nakarating rito sa bahay niya. Simple lamang ito may dalawang kuwarto at mumunting kusina at sala. Uyy! dai umupo ka muna riyan o puwede rin doon sa kuwarto mo pangalawang pintuan bago ang toilet yan ang kuwarto mo pasensyahan mo na ang bahay ko kase maliit lamang ito. inuupahan ko lang kase alam mo naman di pa ako nakahanap ng tatlong M. nabigla ako sa sinabi nito anong tatlong M. anu yung M dai? Ayyy Sorry lang Poh taga probinsya ka pala nakalimutan ko tumawa ito ng malakas napakamut na lamang ako sa akin ulo. Dai makati ba oras na maligo kana, oo nga pala ang tatlong M na tinutukoy ko ay Matandang, Mayaman, Madaling Mamatay. Ohh yan na kaya ikaw matutu ka maghanap ng tatlong M dyan sa tabi tabi. Malay mo dai mauna ka pa yayaman sa akin riyan. Ewan ko sayu dai dami mo talaga nalalaman oh siya at maligo na ako tama ka nga nangangati na nga katawan ko sa alikabok. Pumasok naku sa Kuwarto ko kung saan niya tinuro sa akin para sa akin ito. Pag pasok ko sa aking kuwarto napakalinis at maayus ito maliit lamang ang space pero maayus at malinis ito. napahanga ako sa aking kaibigan inayus niya talaga ang lahat nakakatuwa. Inayus ko na ang mga gamit ko at inayus ko ang damit na susuutin ko pagkatapus ko maligo. lumipas ang dalawang oras kumatok si gerlie sa pintuan, Dai halikana rito at kakain na tayu ng hapunan at pag usapan natin tungkol sa trabaho na papasukin mo kailangan kita kausapin ng bawat detalye ng maayus at naintindihan mo kase maselan ang lahat ng detalye sa trabaho ok halikana rito may pasigaw pa na pahabul ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD