Chapter 12 - Restrictions

2085 Words
Elise PoV Mabilis ang bawat hakbang ko pabalik sa opisina dahil masyado akong natagalan sa pag make sa akin ng bakla. Dala dala ang make up na binini ni JJ para sa akin ay hingal na hingal ako ng makarating sa elevator. Pagkapasok ko sa opisina ay agad naman ako tinanong ni boss. " Where have you been bakit ngayon ka lang, Habang nakasandal sa kanyang swivel chair at madilim na nakatitig sa akin at uma alon alon din ang adams apple nya. Itinago ko naman sa likuran ko ang dala kong make up kit, hindi ako nakasagot sa tanong nya, nakakatitig lang ako sa kanya hindi ko kasi napaghandaan ang aking pagsisinungaling. " What's on your face Elise" Are you wearing make up" sabi nya habang nakasalubong ang mga kilay nya. " Ah sir... hindi ko talaga alam ang sasabihin ko pinahid ko naman sa palad ko ang liptint na nilagay ng bakla. na consious tuloy ako sa hitsura ko ngayon. " sorry po, nagkatuwan lang kasi kami ng mga friends at nilagyan nila ako ng make up kaya natagalan ako" sa wakas na sabi ko, " Well hindi bagay sayo ang may make up" sabi nya, nadismaya naman ako sa sinabi nya " talaga po sir, sabi nila lalo daw akong gumanda, " well naniwala ka naman, alisin mo na yang make up mo at mag umpisa ka nang magtrabaho, sabi nya. " Pumunta ako sa banyo at huminga ng malalim, tiningnan kong mabuti ang hitsura ko sa salamin, maganda naman ang pagka make up sa akin , gandang ganda nga ako sa sarili ko sa salamin, pero bakit pinapabura ni boss, bulag yata ang isang yun, hindi nga nya makita ang natural beauty ko , hindi pa rin nya pansin ang ganda ko pag may make up. " hssst.. hay... buntong hiniga ko nag maghilamos ako at alisin lahat ng make up sa mukha ko. " sayang naman ang effort ni Rina para dito" sabi ko sa sarili ko. Naglagay nalng ako ng pulbo gamit ang fresh powder at naglagay ng kunting liptint , ipinusod ang buhok ko at nilagyan ng tali, nang makontento ako sa mukha ko bumalik na ako sa table ko para magtrabaho, napansin ko naman na tinitigan ako ni boss.Hindi ko nalng pinansin. Mabilis lumipas ang oras at ikalimang araw na ngayon ng song practice namin ni JJ. Masaya din ako at sa wakas nakalabas na rin ng hospital si nanay. bibisitahin ko nalang sya sa week end pag pumayag si boss. Napansin ko rin na every TTh ay half day nalng kung pumasok si rose at never ko na rin silang nakitang nag la live show. Pagkatapos naming mag ensayo ni JJ ay nakasalubong ko sa labas si Rina, " Oy Elise bakit wala kang make up, hindi mo ba nagustuhan ang binili mo sa akin. ni minsan hindi ko nakita na ginamit mo yun sayang naman. " Sorry Rina hindi talaga ako marunong mag make up eh. sabi ko. " Ganon ba bat di ka manuod sa you tube" sabi nya " Wala din kasi akong smart phone.tugon ko. " Hayzzz. o sya sige tomorrow turuan kita kung paano mag make up okay para di yun masayang. " OO ba sige bukas nalng Rina ha alis na ako. Nang dumating ako sa opisina , wala si Rose, at napansin ko kaagad ang hindi magandang timpla ni boss. "Elise, sabi nya habang nakasandal sa swivel chair at nakayakap ang mga braso nya sa dibdib nya. " Napansin ko lately na lagi ka nalang late makabalik pagkatapos ng lunch break , Anong ginagawa mo sa mga oras na wala ka dito. " nakakatakot ang interrogation nya sa akin this time. " Ah uhmmm sir nag la lunch po, tapos nag kwe kwentuhan with my circle of friends. " Circle of friends , have you considered that one person a circle of friends"? " Now tell me Elise anong ginagawa mo palagi sa opisina ni JJ. " May ginagawa ka bang kalukuhan Elise? sabi nya at nakakatakot sya. " Wa wala po sir, nauutal kong sabi as I try to compose myself from this stressful interrogation. and I know that I look pale this time. " Well Elise pag wala kang sasabihin sa akin. Starting tomorrow you are not allowed to go out every lunch. " Poh! laging gulat ko sa restriction nya. Ummm sir paano ako kakain, hindi naman po ako nagbabaon.? sabi ko trying my best na hindi mauutal. " Sabay ka na sa amin ni rose tuwing tanghaliaan, may delivery ng food every lunch and tatawagan ko nalng na good for 3 person na ang ide deliver dito na food. " Sir okay lang naman po ako sa canteen kahit ba thirty minutes hindi ako allowed mag break , karapatan ko naman yun diba. " Well let me remind you woman that you are my slave at may karapatan ako sayo, at wala kang karapatan na suwayin ang gusto ko" You understand Miss Gomez. he said in a very serious tone. " hayzzz paano na ang practice ko ngayon?. kakainis. padabog akong bumalik sa mesa ko habang pinipigilan ang sarili na hindi mapaiyak dahil kunting kunti nalng talaga at tutulo na ang luha ko sa sobrang pagka dismaya. KINABUKASAN gaya ng sabi ni boss, ay sabay kami kumain na tatlo, habang kumakain kami biglang tumunog ang phone ko, " Hindi mo ba sasagutin, sabi ni boss nakatitig ako sa kanya kahit hindi ko tignan kong sino ang tumawag alam ko kung sino at ayokong marinig ni boss ang pag uusapan namin. " Sagutin mo yan , and don't you dear leave this room while answering that call. ma autoridad nyang sabi. " Hello JJ" sagot ko na nakatitig kay boss nakatitig din kasi sya sa akin habang kumakain. " yes Elise What happen hinintay kita" sabi nya " uhmmm JJ sorry may restriction kasi ako , I'm not allowed to go out during Lunch Time. " Ganon paano na ang practice natin" " HIndi ko alam JJ baka hindi ko nalang itutuloy sige na ha kumakain pa kasi ako. sorry. babye. " Anong hindi na matutuloy" tanong naman ni boss " uhmm plan kasi namin ni Rina yung kasamahan ni JJ sa finace department na turuan ako ngayon kung paano mag make up. sabi ko. " well sabihin mo sa kanya that no need to put make up dahil pumapangit ka para kang nagtratrabho sa kabaret, okay na yang simple. nakita ko sa aking phereral view na pinipigilan ni Rose na mapatawa sa sinabi ni Sir. Bakit itong secretary na ang kapal naman ng make up hindi nya sinusuway , pagdating sa akin ang higpit? sabi ko sa inner self ko. Exactly 3:00 pm nang makatanggap ako ng text ni JJ. " Pwede ka bang lumabas sandali may ibibigay lang ako sayo. text nya " agad naman akong napatingin kay boss, inaalam kong anong gagawin ko , hindi ako allowed lumabas dito. " Pumunta ako sa CR para umihi at makapag isip kong paano makipag kita kay JJ. " Hayzz tinignan ko ang aking panty , wala pa rin, Tatlong araw na kasi akong hindi dinadatnan at chi ne check ko palagi ang panty tuwing iihi kong dumating na ba ang period ko, pero wala pa rin ngayong araw. Tinawagan ko si JJ. " JJ hintayin mo nalang ako sa may convenience store sa baba. okay lalabas na ako. Pumunta ako kay Homer " Sir, pwede po bang lumabas sandali bili lang po ako nang sanitary napkin. Tumitig naman sya sa mata ko parang ini examine kong hindi ba ako nagsisinungaling. " May period ka" tanong nya. Tumango naman ako, " sige pero balik kaagad" dagdag nya " sige po sir' Yes sabi ng isip ko. Nang dumating ako sa baba ay agad akong pumasok sa store, sumunod naman agad si JJ sa akin pumunta ako sa parte ng store na hindi nahahagip ng CCTV malakas kasi ang kutob ko na chini check ni Homer ang CCTV kong saan ako pumunta, pakiramdam ko tuloy para akong asawa na may kabit at takot na takot na mahuli ng husband. " JJ bakit" Agad kong tanong sa kanya. " heto o tanggapin mo. ibinigay nya sa akin ang isang puting box " ano to" aniya ko " buksan mo nalang. Binuksan ko naman at nagulat ako dahil isang mamahaling cellphone ang ibinigay nya sa akin. " Para saan to" aniya ko. " Hindi ka na kasi pinapayagan mag lunch kasama ko kaya, at hindi ka na rin makapag practice. nagdownload na ako dyan ng app kung saan pwedeng mag practice mag gitara. " Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi, " salamt JJ ha, laking tulong nga to. " o sige na hindi ako pwedeng magtagal, umalis na ako at pumunta sa sanitary napkin section at binayaran sa cashier. " Bumalik din ako sa opisina dala dala ang binili ko. at ang binigay ni JJ. Tinago ko agad sa bag ko ang ibinigay ni JJ na phone. Kinagabihan. excited akong magpahinga at subukan ang bagong phone ko. Pagkatapos maligo at mag bihis ay agad kong kinuha ang phone na ibinigay ni JJ ang saya saya ko at sa wakas ay may smart phone na ako akala ko need ko pang manalo sa contest para makabili ng cell phone. dumapa ako sa kama at ini on ang phone ang ganda sinubukan ko agad mag selfie at ilang ulit kong ginawa yon in different angle, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto mabilis naman ang kamay ko at naitago ko kaagad ang CP ko sa ilalim ng unan. agad humiga padapa rin si Homer at niyakap ako at hinahalikan ang mga binti ko, grabe ang kiliting naramdaman ko ng bigla kong naalala ang binili ko kanina, nagpaalam ako na bibili ng napkin pag pumayag ako sa gusto nya mabubuko ako. " Homer, kumakain ka ba ng dinuguan" " Bakit, meron kasi ako ngayon, pwede pass mona, Pagsisinungaling ko. " hanggang kailan naman yan, dismayado nyang tanong, " Mga 3 days pwede na to. " Ang tagal naman" bumangon sya at bumalik na sa kwarto nya. " nakahinga ako ng malalim ng marinig kong tumunog ang pintuan ng kabilang kwarto hudyat na nakapasok na si Homer sa kwarto nya.. Binuksan ko uli ang phone ko. nakita ko na may naka download na Guitar apps. Nakatanggap ako ng Load na 500 pesos may load na pala ako agad sabi ko sa sarili. I dial *143# and press send Pinili ko ang Unli data for Seven days, May wifi naman dito sa bahay, dahil may nakita akong rauter, pero hindi ako pwedeng humingi ng password. I press the mobile data after na confirm na naka subcribe na ako for unli data for seven days/. Bago ko sinubukan ang guitar app binuksan ko muna ang f*******: account ko, ang saya saya ko talaga, matagal ko ng hindi nabubuksan to. " Napansin ko kaagad na marami akong friend request. " Jeff Justine Samonte.. Confirm .. Delete I confirm his friend request. Teka Samonte saan ko ba nabasa ang apelyedong yun, hindi ko talaga maalala pero pamilyar talaga sya. Nag install na rin ako ng messenger. Nang na install na ay may nag request ng video call, hininaan ko ang volume baka marining ni homer. Ini lock ko muna ang pinto at dumapa sa kama. saka sinagot si JJ. Hello Elise, may hawak hawak syang gitara habang kausap ako, " Nag pa practice ka ba" tanong ko. " OO sagot nya. " Kumusta ka dyan" tanong nya " Okay lang ako katatapos lang nang mga household chores kaya ngayon lang na try ang binigay mo. " happy naman ako na nagustuhan mo" aniya " Pero, JJ dito ko lang sa kwarto gagamitin ang phone na to ha, hindi na pwedeng makita to ni Sir Homer. " Okay ikaw ang bahala. Mag install ka na rin ng Gcash app para maka cash in ako para sayo. " hay naku hindi na JJ salamat ako na bahala mag cash in okay" " Ano ka ba need mo yun para sa mobile data, at saka regular Load , In case of emergency wag mo akong tawagan sa messenger direct ka sa number ko, naka phone book na ang number ko tawagan mo ako in case of emergency okay. " Okay na kuya, tatandaan ko po, biro ko sa kanya, para kasi syang kuya ko, wala akong kuya pero salamat na din at naramdaman ko yun kay JJ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD