Elise POV
Sobrang saya ko ng makarating na ako sa airport ng New zealand, sabi ni JJ may susundo sa akin dito. kaya naman hinanap ko sa may mga hawak nang name ang susundo sa akin.
Nakita ko ang isang matangkad at matipunong lalaki ang may hawak ng pangalan ko, lumapit naman ako dito.
" Hello I'm Elise, Elise Samonte pagpapakilala ko. " Oh maam Elise hi I'm Renier, inutusan po ako ni Sir JJ para sunduin kayo" Sabi nya
" Ohh marunong ka pala magtagalog akala ko hindi ka pinoy" sabi ko
" PhilAm po ako maam " sabi nya
" Nice to meet you Renier" sabay lahad ng palad ko sa kanya.
" Nice to meet too maam Elise no wonder magkapatid kayo ni sir JJ sobrang magkamukha po kayo" Sabi nya habang hinihila nya ang bagahe ko palabas ng airport.
" Talaga ganyan ako kaganda" Sabi ko
" Huh" mangha nyang tanong
" Bakit parang nagulat ka sa tanong ko" sabi ko
" Ummm nagulat lang ako maam hindi nyo ba nakikita ang mukha nyo sa salamin" sabi nya
" What do you mean" tanong ko.
" I mean hindi nyo ba alam maam na sobrang ganda nyo po" sabi nya habang ipinapasok nya ang maleta ko sa likod ng kotse.
" Hindi ko alam kasi kong maganda ako bakit hindi nya ako nagawang mahalin" sabi ko
Lalo naman syang nagulat sa sinabi ko, parang gusto kong matawa sa reaction nya.
" Po? tanong nya.
" Wala wag mo nalang isipin ang sinabi ko" sabi ko habang sinusuot na ang seatbelt ko.
Nag umpisa na syang mag drive napansin kong hindi masyadong maraming bahay ang nadadaanan namin mas marami kaming nadaanang bundok dagat at mga punong kahoy kaysa sa mga bahay, wala ring mga nagtatayugang buliding more on green ang nakikita ko.
" Ganito ba talaga dito wala masyadong mga building" tanong ko kay Renier
" Hindi naman po papunta kasi tayo sa farm kaya walang mga building pero kung pupunta ka naman sa Auckland at Hamilton naglalakihan naman ang mga building don.
" Matanda na ba ako sa paningin mo pinu po mo kasi ako" sabi ko
" Naku po sorry respect lang po" sabi nya natawa naman ako dahil hindi talaga maalis ang po sa sentence nya.
" Ilang taon ka na po Renier" sabi ko
" Umm 25 po maam" sabi nya
" ohh really matanda kalang pala sa akin ng tatlong taon po" sabi ko
" So pano mo po nakilala ang daddy at si JJ" sabi ko
" Hahaha nakakatawa po pala talaga pag pinupo maam" sabi nya
" Scholar ako ng foundation nila maam, mahirap lang kasi kami hindi ko po nakilala ang tatay ko, nagtapos ako ng Business management sa tulong ng daddy mo kaya pagka graduate ko pinadala nila ako dito" paliwanag nya.
"Kayo po maam bakit ngayon ko lang po kayo nakita ang alam ko kasi nagiisang anak lang si sir JJ hindi ko alam na may sister pa po pala sya. sabi nya.
"Ngayon ko lang din sila nakilala half sister and brothers kami" sabi ko
" Ahh kaya po pala maam , bakit nyo po naisipang dito na tumira sa New Zealand maam" tanong nya
" Dahil buntis ako at gusto kong takasan ang naka buntis sa akin" sabi ko
" Hah talaga po" gulat nyang sabi.
" OO" sabi ko hanggang sa nakarating kami sa farm sobrang ganda ng paligid sobrang fresh ng hangin ang laki ng bahay dito at may swimming pool pa
Ibinaba ni Renier lahat ng gamit ko at ipinasok sa loob ng bahay.
" Dito ka rin ba nakatira" sabi ko
" OO marami naman po ang kwarto dito maam at ang kwarto nyo po ang pinakamalaking kwarto dito" sabi nya at dinala na nga ako sa kwarto ko umakyat kami sa hagdan at ipinasok nya ang maleta ko sa loob ng kwarto.
" Ito po ang magiging kwarto nyo maam" sabi nya
Ang laki sabi ko at ang ganda lumabas kaagad ako sa may balcony at nakita ko ang lawak ng buong paligid.
Nagustuhan nyo po ba dito maam" tanong nya
" Perfect Renier" tugon ko.
" Sige maam punta lang din po ako sa kwarto ko kung may kailangan po kayo sa kabilang room lang po ako o di kayay tumawag po kayo ng katulong sa labas" sabi nya.
" Umm Renier wag ka munang umalis, ipakilala mo muna ako sa mga kasambahay dito" sabi ko
" Sure sa baba po tayo maam" sabi nya.
Lumabas naman ako at isa isa nyang tinawag ang mga kasambahay dito
" Tatlo ang kasambahay natin dito maam Elise Ito si aling Martha ang pinakamatagal na nakatulong dito sya rin ang tagaluto"
" Nice to meet you maam" sabi ni Aling Martha
" Ito naman si Cheryl tagalinis natin" Sabi nya
" Hello maam you can call me che che po for short" Sabi niya mukhang bata pa si cheche
" At ito naman si Aling Lina taga laba po natin" sabi nya
" Hello po maam" bati ni aling Lina.
" Magandang araw po sa inyong lahat wag kayong mag alala kung ano yung nakasanayan nyo gawin nyo lang po wag po kayong maiilang na nandito ako mabait po ako. sa pagkain lang po medyo masilan ako dahil sa pagbubuntis ko" sabi ko sa kanila.
" Sige po maam magtatanong nalang po ako sa inyo kung ano po ang gusto nyong iluto ko" Sabi ni Aling Martha
" Salamat po aling Martha, sige pahinga na po muna ako napagod ako sa more 10 hours na byehe" sabi ko at bumalik na ako sa kwarto ko.
Sobrang laki ng kama ko sarap matulog. sabi ko sa sarili ko.
Minsan nalulungkot pa rin ako sa tuwing naiisip ko si Homer, kumusta na kaya sya, na mimiss ko sya" sabi ko sa sarili ko
Bumagon na muna ako at kinuha ang phone ko. Naalala ko ang cellphone nato sya pa ang bumili nito hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na isauli sa kanya.
Naisipan kong i stalk sya sa f*******: pero wala namang update ang sss nya.
Tumawag ako kina Karen at mama. yung phone na binigay ni JJ noon ay ibinigay nya kay Karen kaya naman pwede na akong makipag video call sa kanila.
" Hello ate kumusta ka dyan" bungad sa akin ni Karen ng makita namin ang isat isa sa screen.
" Kararating ko lang' sabi ko
" Hello anak okay ka lang ba dyan" sabi ni nanay
" okay lang ako dito nay ang laki po nang bahay parang mansyon, inilibot ko naman ang phone ko sa buong kwato para makita nila.
" Wow ate ang ganda naman ng kwarto mo dyan" sabi ni Karen
" Mas maganda sa labas nito nay, karen " sabi ko, lumabas naman ako ng balcony at ipinakita sa kanila ang buong paligid.
" Ang ganda ate" sabi ni karen
" Hayaan nyo nay at Karen makakapunta din kayo dito" sabi ko sa kanila
Nang matapos kong tawagan sina Nanay at karen sunod ko namang tinawagan si JJ at pagkatapos ay si daddy.
Kinabukasan maaga akong ginising ni Renier.
" Sorry maam at pumasok na ako sa room mo ayaw mo kasing bumangon kanina pa ako katok nang katok sa pinto mo" sabi nya.
"Anong bang kailangan mo at ang aga pa para mang gising" sabi ko.
"kailangan mong gimising ng maaga dahil kailangan pa nating bumaye papuntang Hamilton dahil kailangan mong magpa check up sa OB. at wala tayong appointment kaya need nating maagang pumunta sa syudad.
"Mamaya na gusto ko pang matulog" sabi ko.
Nang biglang binuhat nya ako papuntang banyo, " Ano ba bitawan mo ako" pagpupumiglas ko.
"Kailangan mo ng maligo. " sabi nya habang buhat buhat ako.
Nang biglang bumaliktad ang sikmura ko at nang maibaba ako ni Renier ay sumuka ako ng sumuka.
"Ugggh. ungol ko.
Dali dali akong pumunta sa may sink at nag mumug at nag toothbrush.
" okay ka lang ba maam" nag aalalang sabi ni Renier.
" Okay lang ako don't worry normal lang to sa buntis" sabi ko.
" umm Renier can I ask you a favor" sabi ko
"yes maam ano yon" tugon ni Renier.
" ibili mo naman ako ng gatas pambuntis " sabi ko.
" ay meron na po maam, pinabili na po ni sir JJ lahat ng kailangan nyo maam" sabi nya
"ganon ba wow nakakabilib naman ang kapatid ko" sabi ko.
" ummm pwede bang pakisabi nalang sa kahit sino sa katulong na ipag timpla ako ng gatas" sabi ko
" Sure maam ako na lang po ang magtitimpla" sabi nya.
"ahh okay salamat" sabi ko.
hayy parang lumuwag ang pakiramdam ko nang umalis si Renier, nakakainis kasi sobra kung makaasikaso. inilock ko ang pinto ng banyo at nag umpisa nang maligo
Nang matapos akong maligo at makalabas ako nang banyo ay nandoon na naman si Renier nakaupo sya sa couch at napansin ko rin na may mga pagkain at gatas na sa maliit na table dito sa room.
" umm Renier salamat ha, pero pwede lumabas ka muna kailangan kong magbihis sabi ko. sige maam no problem po,
Lumabas naman sya at dali dali akong nag bihis
ilang minuto matapos akong magbihis ay kumatok na naman si Renier at pinapasok ko.
" Ano? sabi ko at nakataas ang kilay ko sa kanya.
" Aasikasuhin kita maam" sabi pa nya.
"Oh, Renier, I'm capable of handling all of my responsibilities, so don't worry about me." medyo may pagkairitang sabi ko sa kanya.
" I'm just doing my job maam" sabi nya
" What job"? tanong ko
" ang asikasuhin ka maam bilin po sa akin ni sir JJ na wag kang pabayaan dahil pag may nangyaring masama sayo ako po ang sisisihin" tugon nya.
" Well wala si JJ dito kaya ako ang masusunod at sinasabi ko sa yo wag mo akong masyadong asikasuhin dahil hindi ako komportable at hindi ako sanay" sabi ko.
" Sorry po maam kung naaasiwa po pala kayo sa akin" sabi nya.
" No hindi ako naaasiwa hindi lang ako komportable sana maintindihan mo" saad ko
" Sige maam pero kain na po muna kayo, lalamig na po itong gatas nyo" sabi nya sabay kuha ng mga pagkain sa tray.
"hayzzz napailing nalang ako dahil kakasabi ko pa lang ayan inaasikaso na naman nya ako.
" Renier stop calling me maam, Elise ang itawag mo sa akin" sabi ko sa kanya habang sumusubo na nang pagkain.
" Sige po maam Ahh I mean Elise" sabi nya.
" May girlfriend ka na ba"? sabi ko
" Yes po" sabi nya
" Ohh I see kaya wag kang masyadong papalapit sa akin baka magselos ang girlfriend mo ako pa ang dahilan na magkahiwalay kayo" sabi ko.
" alam naman po nya maam na aasikasuhin kita " sabi nya.
" Elise nga" sabi ko.
" Kahit na hindi pa rin maganda, tatawagan nalang kita pag need ko talaga hindi yong umaga palang halos ikaw na ang magpaligo sa akin hindi naman ako lumpo" aniya ko.
" And FYI dati akong slave kaya alam na alam ko ang mga gawaing bahay" dagdag ko.
" hah dati kayong slave po" sabi nya.
" Oo s*x slave at the same time kaya ako nabuntis" saad ko.
" Wow kakaiba po talaga kayo maam hindi ako makapaniwalang sa ganda nyong yan dati pala kayong s*x slave" sabi nya.
" yeah office assistance din , maid at s*x slave " sabi ko mukhangn proud pa yata ako na s*x slave ako.
" wag mong isipin na proud ako na ganon ako dati dala lang ng matinding pangangailangan kaya ako ganon" paliwanag ko.
" Wala po akong iniisip na ganon po" sabi nya.
" Alam mo Renier ang swerte siguro ng girfriend mo dahil ang bait mo at masyadong magalang" sabi ko, po kasi sya nang po sa akin.
" Swerte din ako sa kanya Elise dahil sobrang bait at maasikaso" saad nya.
" So maganda ba sya" tanong ko.
" Oo pero hindi nga lang kasing ganda nyo po" saad nya.