WHY AM I not wearing my top? Nagtaka si Melo nang pagbangon niya kanina ay nalaglag ang comforter na nakapatong sa katawan niya, pagkatapos ay nakita niyang wala na siyang shirt na suot. Sobrang lamig pa naman sa kuwarto. Nang makita niya ang fitted shirt niya sa tabi niya, kinuha agad niya 'yon at sinuot. This must be Hook's room. Salamat sa picture frame na nakapatong sa night table hindi siya nag-panic nang magising sa ibang kuwarto. Nasa litrato kasi si Hook habang yakap ang isang ginang na mukhang mommy nito. Hindi magkamukha ang mag-ina dahil mas lamang ang Western features ng lalaki samantalang very Filipina naman ang mommy nito. But they have the same lovely smile. "Melo?" Namalayan lang ni Melo na nasa kuwarto na pala si Hook nang magsalita ito. Hindi niya siguro napansin an

