I SWEAR I didn't mean to laugh loudly. Aminado naman si Hook na nakinig talaga siya sa usapan nina Melo at ng lalaking nagpakilala bilang Chito. Bukod sa naririnig niya ang pag-uusap ng mga ito dahil magkalapit lang ang mga mesa nila, tinalasan din niya ang pandinig. Pero may valide excuse naman siya. She looked upset and uncomfortable when the guy invited himself to join her table. Nag-alala siya na baka kung ano ang gawin ng lalaki kaya nakinig siya sa usapan ng dalawa. He wasn't proud of what he did but he had to admit that he enjoyed it. Melo's witty and offhanded comments are classy. Damn. Her intelligence, attitude, and poise only made him more attracted to her. Madali lang sanang iwasan ang physical attraction. Pero ibang usapan na ngayong nagustuhan na rin niya ang personality

