HINDI i-de-deny ni Melo na nag-alala siya nang paglabas nila ni North ng kusina ay nakita nila si Hook na hablot-hablot na ni Nelson sa kuwelyo. Nawala agad si North sa tabi niya para lapitan ang pinsan nito at alamin siguro kung ano ang problema. Habang papalapit siya sa mesa, napansin niyang nagbubulungan at nag-aalala na ang ibang mga customer. Halata naman kasing nagkakainitan sina Nelson at Hook. Dumagdag pa si North na malaking lalaki at nakaka-intimidate talagang tingnan. "Violence is not allowed here, buddy," narinig niyang sabi ni North nang makarating na siya sa mesa ng mga ito. "May problema ba kayo ni Hook?" Huminto siya sa likuran ni North, saka niya sinilip si Hook. Ah, he's looking at me, too. Kung normal na pagkakataon lang 'yon, baka nag-iwas siya ng tingin. Pero dahi

