Chapter 6
Nagtataka si Sydney dahil kanina pa
may kumakatok sa pinto. Sabi kasi sa
kanya ni Bryan ay huwag na syang
hintayin dahil baka nga daw gabihin sya
sa pag uwi. May usapan kasi silang
mag dinner sa labas ngunit nagbago ang
isip ni Bryan sobrang dagsa daw ang
mga tao sa munisipyo at aabutin daw ng
gabi. kaya nagbilin nalang ito sa kanya
na kumain nalang at huwag na syang
hintayin. At huwag na rin daw nyang
hintayin ito sa pag uwi dahil may sarili
naman daw itong susi. Nakadama sya
ng takot sa dibdib kanina pa kasi may
kumakatok sa pinto pero hindi naman
nagsasalita. Halos sirain na ang pinto
ng nasa labas Nanginginig na sa takot
si Sydney naghahanap na sya ng pwede
ipanlaban sa sinumang pangahas na
nasa labas alas diyes na ng gabi sino
naman kaya ang kakatok sa ganoong
oras gayong dayuhan lang naman ang
binata dito. dahil malamang ay walang
kakilala si Bryan dito sa lugar na ito.
ayaw naman nyang magsalita o lumikha
ng ano mang ingay baka malaman pa ng
tao sa labas na may tao nga dito. Pilit na
pinipihit ang seradura mabuti nalang at
naka lock ito. Maya maya ay may narinig
syang parang may nag uusap sa labas
dahan dahan syang lumapit sa pinto
patingkayad syang naglakad upang
hindi makalikha ng ano mang ingay
Medyo inilapit pa nya ang tenga sa
pinto at tama nga sya may mga lalaki
sa labas hindi nya lang mawari kung ilan
sila naririnig nyang nag uusap ang mga
ito. ayun sa narinig nya ay hindi sila
titigil hanggat walang lumalabas na tao
"Baste sigurado ka ba na dito mo nakita
ang babae? eh mukhang walang tao dito
eh! reklamo ng isang lalaki
"Oo sigurado ako, nakita ko sya kaninang
umaga sinundan ko pa nga sya at dito
sya nagtungo! sagot naman ng isa
natutop nya ang bibig sa sobrang gulat
nasundan sya hindi pwedeng makita sya
Maingat ulit na lumayo sa pinto at
patingkayad parin na naglakad papunta
sa kusina upang maghanap ng panlaban
nya sakaling magpumilit na pumasok
ang mga lalaki.Nakahanap naman sya
ng tubo na medyo may kabigatan Pwede
na siguro ito sa isip nya. Pinapanalangin
nya na sana ay dumating na ang binata
para umalis na ang mga lalaking
naghahanap sa kanya. Ngunit nagulanta
nalang sya ng balyain ang pinto tila
sinisira na ito. May naririnig na rin syang
naglalakad papunta sa likuran ng bahay
"Lord diyos ko po tulungan nyo po ako!
dasal nya kahit nanginginig at takot ay
pinilit nya parin magpakatatag dahil pag
uunahin nya ang takot ay mapapahamak
sya. Pero anong laban nya sa mga ito!?
"Sydney lumabas kana dyan alam kung
andyan ka sa loob kung ayaw mong
mapahamak ang nanay mo ay lumabas
ka na dyan! sigaw ng lalaki sa labas
Ang nanay nya hawak ba nila may
ginawa ba silang masama sa naany nya
Mangiyak ngiyak na sya. Kailangan nya
makapag isip ng paraan ano ang
gagawin nya. Dalangin nya sana ay
dumating na ang Binata Pero may
bahagi ng kanyang isip na lumabas
nalang at sumama na sa mga lalaki
nag aalala sya sa kanyang ina. kahit
naman kasi minamaltrato sya ng ina ay
mahal nya parin ito. dahil kung hindi
dahil sa kanyang ina nagsilang sa kanya
ay wala sya dito sa mundo. Hindi na nya
alam ang gagawin nya. Natatakot na sya
baka kung ano na ang gawin sa nanay
nyavhindi nya Kaya. habambuhay nyang
sisisihin ang saril kapag may nangyari
masama sa nanay nya. Napapitlag sya
ng may kumalabog sa labas mukhang
hindi sya tatantanan ang mga ito
desidido silang kunin sya. halos
mapasigaw sya sa ingay na nagmumula
sa labas dahil sa gulat mabuti nalang
at maagap nyang natakpan ang bibig
"Sydney! Sydney!? sigaw ng binata
mabuti nalang at maaga syang nakauwi
inaya sya ng kaibigan Doctor ngunit
tumanggi sya dahil inaalala nya ang
dalaga wala itong kasama. at tama lang
ang desissyon nyang umuwi na dahil
nakita nyang may mga kalalakihan sa
kanyang apartment at pilit na
binubuksan ang pintuan upang
makapasok Sa sobrang pag aalala ay
agad nyang sinugod ang isa sa lalaking
nasa pintuan na pilit sinisira ang
siradora. pinilipit nito ang leeg at
tinakpan ang bibig upang hindi
makalikha ng ingay para Hindi mahalata
ng mga kasamahan ng lalaki. saka sya
nagkubli sa posteng ng ilaw at buti
nalang ay pundido ang ilaw ng poste
kaya hindi sya nakita nang papalapit na
sya sa apartment kanina. Inisa isa nyang
pinatumba ang tatlong kalalakihan.
medyo nahirapan pa sya sa isa dahil
marunong makipaglaban ang isa sa
kanila. Pero hindi sya nagpatalo
ginamitan nya ng lakas at isa pang
upper cut at isang malakas na sipa at
panga ang pinakawalan nya ng ubod ng
lakas at doon na bumulagta ang lalaki
sa semento. agad nyang tinakbo ang
pinto at hinanap agad ang dalaga. nakita
nyang nakasiksik ito sa ilalim ng mesa
agad nyang dinaluhan at inalalayang
makatayo saka niyakap ng mahigpit
"I'm here! I'm sorry for late! I'm sorry!
paulit ulit nyang hingi ng tawad sa
babae. nanginginig ito at umiiyak
"I'm here baby tama na! alo nya pa
"Salamat po dumating ka! si nanay
nanganganib ang buhay nya! sumbong
nya habang humihikbi
"Hindi ka ba nasaktan? okay ka lang ba?
Tanong ni Bryan
"O-okay lang ako natakot lang ako!
Saka kumalas sa pagkakayakap at
tumingin sa binata napangiti ito.
Kailangan nang maghanap ng bagong
apartment si Bryan dahil hindi sila ligtas
Maaga palang ay nakaimpake na sila
napapaisip tuloy sya kung bakit
nadamay pa sya sa gulo kung tutuusin
ay wala naman syang pakialam pa sa
dalaga. Pero hindi kaya ng kunsensya
nya kung may masamang mangyari sa
dalaga bakit parang kargo pa nya ito?
Wala nang syang magawa napasubo
na sya panindigan na nya kargo de
kunsensya pa nya maghahanap nalang
sya ng safe na lugar para sa dalaga.
Hindi naman kasi sya magtatagal ng
pilipinas katunayan ay isang buwan lang
ang medical mission nila. At lilipat na
rin sila sa ibang bansa para sa isang
taong medical mission na kontrata nila.
Sa sandaling pagkakakilala nila ng
dalaga ay nakagaanan na nya ng loob.